Strike Three: A Love on the Line

1558 Words
“Ball!” Sigaw nang umpire matapos ang pitch ni Ryner. Napatingin ang mga manonood sa loob nang stadium sa scoreboard at napaawang ang labi sa Nakita. Nasa Pang apat na ining na nang laro at kanina pa wala sa elemento niya ang sikat na ace pitcher. Simula Firt inning ito nasa mound at ang dating strikes na ibinibigay nito sa mga naunang laro ay hindi makita ngayon. Nasa preliminary games sila nang national Tournament. At ang kasalukuyang naglalaro ay ang team nang Maharlika Batters at Pacific Titans, ang team ni Ryner. “Ano bang ginawa niya? Ito ba ang laro nang isang sikat na national player?” tanong ni Primrose habang nakatingin sa Binatang nasa malaking screen. Inaayos nito ang bola nang baseball sa ilalim nang mit nito. Tila nang iisip sa kung anong sunod na pitch ang gagawin. Kapag Ball pa rin ang tawag nang umpire sa ibabato niyang pitch Magiging loaded na ang base. Which will give the opposing team the advantage na maka score. Napatingin si Primrose sa binata. “Bothered kaya siya sa nangyari kanina?” Tanong nang isip nang dalaga habang nakatingin sa binata mula sa malaking monitor. Maraming mga fans ni Ryner na nandoon na dismayado sa ipinapakitang laro nang binata. Maging ang mga commentator ay sinasabing tila hindi handa ang ace player nang Pacific Titan sa laro nila ngayon. Wala ang maalab na pitches na ipinakita nito. At tila wala ito sa sarili. Nagbiro pa nga ito na baka pagod pa ang binata dahil kakagaling lang nito sa honeymoon. Hindi naman naging lihim ang kasal nang binata dahil matapos ang kasal, naging laman sa mga balita ang tungkol sa naging kasal ni Ryner na gumimbal sa lahat maging sa mga fans nang binata. Wala kasing hint na may kasintahan ito dahil alam nang lahat na masyadong subsob ang binata sa paghahanda sa national game. At nabigla nalang sila nang makita ang balita sa pagpapakasal nito. “Ipapatalo ba niya ang laro nila ngayon? Alam kong preliminary games palang to. Pero hindi naman ibig sabihin noon pwede siyang magpabaya. Ano ngayon kung galing siya sa honeymoon? Nagbayad tayo para sa laro at hindi ito ang game na inaasahan ko.” Wika nang isang babae habang nakatingin sa Binatang nasa mound. Napatingin naman ang dalaga sa lalaking nagsalita na nasa ibaba nang kinauupuan niya. “Baka may problema sa asawa niya kaya nagkakaganyan. Biglaan din ang pagpapakasal niya.” Wika pa nang isang katabi nito. “Kung magiging apektado siya nang problema niya sa kasal niya. Bakit pa siya naglaro ngayon? Masyado siyang pabaya.” Dagdag pa nang lalaking naunang magsalita. Dahil sa mga naririnig mula sa mga lalaki. Napatingin naman ang dalaga sa Binatang nasa mound. “Ball ulit. Anong ginagawa niya?” Wika pa ng lalaki dahil sa nakitang huling pitch nang binata at dahil sa 4th ball na iyon napuno na nga ang base nang kalaban at nasa scoring position na sila. Kung hindi babalik ang focus nang binata tiyak na matatalo sila sa laro. Ito ang komento nang game commentator. Ilang sandali pa, biglang ipinakita sa screen ang mukha ni Primrose na dahilan para matigilan si Ryner sa kinatatayuan niya at napatingin sa screen. Hindi niya inaasahan na makita doon ang dalaga. Taka namang napatingin si Primrose sa screen nang makitang nakafocus sa kanya ang camera. Saka napatingin sa mound at doon napansin na nakatingin sa direksyon niya ang binata. Hindi niya gustong malaman ni Ryner na nandoon siya. Ang totoo niyan naguguluhan pa rin siya sa nangyari. Matapos ang pag-uusap nila nang papa nil ani Zayne. Hindi niya alam kung saan siya pupunta Saka niya naalala na sinabi niya kay Ryner na manonood siya sa laro nito. Pero hindi niya inaasahan na ang malamyang laro nang binata ang dadatnan niya. At ngayon alam na nitong nandoon siya sa loob nang stadium. “You came.” Mahinang wika nang binata habang nakatingin sa direksyon kung saan nakaupo ang dalaga. Ang mga commentator naman ay nabigla dahil sa natigilang si Ryner ay biglang nasalita at nagtanong kung bakit biglang natigilan ang Ace at kung kilala b anito ang dalagang nasa screen. “Hanggang kailan ka manliit diyan?” tanong ni Primrose habang nakatingin nang derecho sa binata. “Ito lang ba ang kaya mong gawin?” “Right, I made a promise. Hindi ito ang panahon para panghinaan nang loob. I still have to secure your safety.” Wika nang binata na tumingin sa catcher niya. At inilagay ang kamay na may mit sa likod niya. “Ano bang ginagawa mo, Ryner. Focus. This is your second chance. Hindi ka pwedeng lalamya-lamya or else wala ding magbabago.” Wika ni Ryner sa sarili niya. Nagbigay nang sign ang Catcher niya. Tumango naman ang binata at isang sandali pa, isang mabilis na fastball ang pinakawalan nang binata na dahilan para mapa-awe ang mga manonood sa stadium. Halos hindi nakagalaw ang batter dahil sa bilis nang fastball na iyon. Lahat nakatingin sa screen at lalo pang napahanga nang makita kung ano ang bilis nang fastball na binitawan nang Binatang pitcher. 99 MPH ang naitala nang binata na bilis nang huling pitch niya. Hindi pa doon, tumigil ang binata, isang 100 mph ang sunod na pitch nang binata at fastball din. Nag swing ang batter pero hangin lang ang tinamaan nito. Ang pangatlong pitch isang Change-up at walang nagawa ang batter. Strike out sa pangatlong pitch. Hindi rin nakakilos ang mga nasa base. Sabi pa nang commentator mukhang bumabalik na sa dating laro nito ang Ace player nang Pacific Titans. At hindi na nga binigyan nang pagkakataon ni Ryner na makabawi ang kalaban nila. Natapos ang 4th inning nang hindi manlang naka score ang kalaban nila kahit na loaded ang base. Na stuck ang mga runner dahil sa biglang pagbabago nang laro nang binata. Natapos ang laro sa 8th inning sa score na 2-0. Sa 7th inning naka score ang pacific titan at Nakagawa din nang home run si Ryner. Siya din ang dineklarang best player nang laro sa kabila nang tila malamya niyong umpisa. Matapos ang interview ni Ryner, Nakita nang mga manonood na naglakad ang binata patungo sa stand nang mga audience na sinundan naman nang cameraman. Lahat nagtataka at naghihintay sa susunod na mangyayari at kung sino ang pupuntahan nang binata sa stand nang audience. Nabigla pa ang lahat nang maglakad ang binata patungo sa dalagang ipinakita kanina sa malaking screen. “For you.” wika ni Ryner saka iniabot sa dalaga ang Pacific Titan plushie. Napakunot naman ang no oni Primrose saka napatingin sa plushie. Na inaabot nang binata. This plushie is an adorable fusion of fantasy and baseball! 🌊⚾ The Pacific Tita plushie has a deep blue body with lighter ocean-like patterns, large wings, and a long tail. It’s rocking a stylish dark blue baseball cap and a crisp white jersey proudly displaying the Pacific Titan team name. Holding a brown baseball bat in one hand, this creature is ready to knock it out of the park! Iyon ang vibe na ibinibigay kay Primrose nang plushie. Its design beautifully blends the fierce power of a mythical ocean beast with the energetic spirit of baseball. Sa halip na tanggapin ang inaabot nang binata. Napatinginn ang bahagya doon ang dalaga bago tumingin kay Ryner. “Ano yan Suhol?” Tanong nang dalaga sa binata. Ngumiti naman si Ryner. “Kung susuhulan kita. Di ba dapat bahay at lupa nalang.” Biro ni Ryner. “Don’t think you are forgiven just because you are giving me this cute little creature.” Wika nang dalaga saka tinanggap ang inaabot nang binata. “Thank you for coming.” Anang binata. Napatingin naman si Primrose sa binata. Ramdam niya ang tila relief na tono nang boses nito. “Hindi pa rin kita pinapatawad dahil sa panloloko mo. And, Nangako akong manonood sa game mo. Kahit galit ako----” Biglang naputol ang sasabihin nang dalaga nang bigla siyang yakapin nang binata. Ikinagulat naman nang mga nasa stadium ang ginawa nang binata at lahat nagtatanong kung sino ang dalagang ito? Siya ba ang asawa ni Ryner? “Teka anong ginawa mo? Maraming nakakakita.” “Hayaan mo sila. You are more important.” Anang binata sa pagitan nang pagyakap niya sa dalaga. Tila hinaplos naman ang puso ni Primrose dahil sa sinabi nang binata. That familiar feeling. Bakit si Ryner ang nagbibigay sa kanya noon. Hindi niya maintindihan. At hindi rin niya magawang magalit nang matagal sa binata. “Gusto ni Zayne na ipawalang bisa ang kasal natin.” Wika nang dalaga dahilan naman para bahagyang lumayo sa kanya ang binata pero nakayakap parin ang kamay nito sa kanya. “At anong sabi mo?” Tanong nang binata. Hindi naman sumagot ang dalaga kaagad at napatingin sa mukha ni Ryner. “Kapag sinabi ko bang dito ka lang sa tabi ko. Would you stay?” Tanong nang binata. “Depende, kung magiging mabait ka.” Wika nang dalaga. “I can go with that for now.” Wika pa ni Ryner at muling niyakap ang dalaga. “This time, I will make sure wala kang magiging rason para iwan ako.” Anang binata. Hindi naman kumibo si Primrose bagkus ay napahawak sa damit nang binata sa may bewang nito. Automatikong kumilos ang katawan niya na para bang iyon ang dapat gawin nang mga sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD