Past in the Present

1363 Words
Of all the stupid things to do. mong may laro ka sa lingo bakit kailangan mong magka injury at sa kamay mo pa.” Wika nang isang lalaki kay Ryner habang nasa private room sila sa hospital. Isinugod sa hospital ang binata dahil sa injuring natamo nito sa kamay matapos nitong iligtas ang isang batang muntik nang masagasaan. Galing siya noon sa opisina ni Primrose at inihatid ang asawa. Papunta na sana siya sa practice nila nang may makita siyang isang batang lalaki na naglalaro nang bola nang soccer sa gilid nang kalsada. Nang una nawiwili pa siya habang nakatingin sa batang lalaki. Hindi nagtagal napansin niyang tumalbog ang bolang sinipa nang bata patungo sa gitna nang kalsada. Agad namang sinundan nangbatang lalaki ang bola niya. Napatingin si Ryner sa unahan nang kalsada at napansin ang mabilis na tumatakbong truck hini na siya nagsip pa at agad na tumakbo para pigilan ang batang lalaki. Hinawakan niya ang bewang nang batang lalaki saka hinatak para mailayo sa kalsada sa ginawa nang binata bigla siyang napaupo sa semento at nang mapaupo siya hindi niya napansin na nadaganan niya ang kamay niya. Dahilan nang injury niya. Kung tutuusin hindi naman niyon isang malaking injury pero nang malaman ni Peter ang manager nang team nila agad siyang dinala nito sa hospital. “Bakit wala pang doctor? Hindi ba nila alam kung sino ang pinaghihintay nila.” Inis na wika ni Peter nang wala pa ring dumarating na doctor sa silid nang binata. “Pwede ba. Huminahon ka nga. Hindi mo naman pwedeng madaliin ang mga doctor hindi lang naman ako ang pasyente sa hospital na ito, besides, hindi naman malubha ang sprain ko. Makakapaglaro pa rin ako sa lingo.” Wika nang binata sa lalaki. “Saka, huwag mong sasabihin kay Primrose ang nangyari. Baka mag-alala siya.” Wika pa ni Ryner sa manager nila. Nakilala na nang dalaga si Peter dahil madalas na magpunta si Peter sa bahay nila para dalhin sa kanya ang mga video tapes nang mga laro nang makakalaban nila. Minsan na din niyang dinala si Primrose sa practice nila. “Sorry, ka sinabi ko na sa kanya.” “Ano?! Paano kong -----” “Yan, Yang ugali mong yan. Naiinis talaga ako. At bakit ko ililihim sa kanya ang aksidente mo. Asawa mo siya diba?” Wika nito saka napatingin sa pinto nang bigla iyong bumukas saka pumasok ang isang nurse at isang doctor. “Finally, alam niyo bang namumuti na ang mata naming kakahintay sa inyo. Akala ko nga wala kayong balak gamutin ang------” “Peter. Stop it. Okay.” Saway ni Ryner sa kanyang kasama saka bumaling sa doctor at sa nurse. “My apologize, nag---” wika ni Ryner na tumingin sa dalawa ngunit ganoon na lamang ang gulat ni Ryner nang makilala kung sino ang nurse na kasama nang doctor. HIndi maitago ang pagtataka nang binata habang nakatingin sa mukha nang nurse. Taka namang napatingin si Peter sa binata saka sa nurse na kasama nang doctor. “Pasensya na kung nahuli kami nang dating. Let me check your hands.” Wika nang doctor saka lumapit sa binata. Habang tinitingnan nang doctor ang kamay ni Ryner. Nakafocus naman ang mata nang sa nurse na kasama nang doctor. Hindi niya akalaing makikita niya ang dalaga sa lugar na iyon. Ilang taon na rin ang nakakaraan. “Nurse Hannah, ikaw na ang tumapos.” Wika nang doctor saka bumaling kay Peter. “He has to rest his hands for about a week. Wala munang mga mabibigat na Gawain, para hindi lumala ang sprain niya.” Wika nito. “One week?” gulat na wika ni Peter nang marinig ang sinabi nang doctor. “May laro siya ngayong linggo.” Wika nito. “It’s just one game. O baka naman gusto niyong hindi na ulit makapaglaro ang ace niyo.” Wika nito saka bumaling kay Ryner. Hindi naman lingid sa doctor kung sino ang Binatang nasa harap niya. Siya ang kilala Ace player nang Pacific Titan. At Nakita niya ang naging laro nito noong nakaraang linggo. Hindi siya fan nang baseball, pero hindi niya maitatanggi na magaling ang binata lalo na dahil sa kabila nang nangyari sa unang apat na inning nang akala nang lahat wala sa Elemento niya ang pitcher. Ipinakita parin nito kung bakit siya ang tinawag na ace nang Pacific titan. At hindi rin naging lingid sa kanya ang Nakita nila sa broadcast nang lapit nito sa isang fan na ang espekulasyon nang marami ay ang napapabalitang asawa nang player. “It’s okay Peter. Ako nang bahalang kumausap sa coach tungkol dito.” Wika pa ni Ryner. “Ewan ko saiyo. Masyado kang pabaya.” Anito at inirapan ang binata. Napaalam naman ang doctor sa kanila at hinayaana ng nurse na siyang umasikaso sa binata at tapusin ang pagbenda sa na sprain na kamay nito. Nang magpaalam ang doctor, naiwan sa loob nang silid nang hospital si Ryner. Hannah at Peter. Wala namang kibo si Hannah habang nilalagyan nang benda at cast ang kamay nang binata. Si Ryner naman ay hindi maiwasang hindi mapatingin sa dalagang nurse. “Narinig mo ang sabi nang doctor. Wala munang mabibigat na activities. Paano ngayon ang laro mo ngayong lingo?” wika ni Peter sa binata. Ngunit tila hindi naman nakikinig sa kanya ang binata dahil nakatingin lang ito sa nurse na umaasikaso sa kanya. “Alam mo kanina mo pa ako tinitingnan.” Ngumiting wika nang nurse saka bumaling sa binata. Bigla namang natigilan si Peter at napatingin sa dalawa. Magkakilala ba ang mga ito. “How are you?” Tanong Hannah sa binata. Hindi naman agad na sumagot si Ryner. Nakatingin lang siya sa dalaga habang ang nasa isip ay ang mga naaalala niya sa nakaraang buhay niya. Si Hannah ay naging kaibigan ni Primrose at naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. Si Hannah din ang babaeng naging kalaguyo ni Zayne. At isa sa mga dahilan nang paghihirap ni Primrose. Pinagkatiwalaan ni Primrose si Hannah at itinuring na parang kapatid pero sa huli niloko lang nito ang dalaga. “Napanood ko sa TV ang tungkol sa asawa mo. Yung Fan na binigyan mo nang Plushie. Asawa mo ba Talaga siya? Hindi ako makapaniwalang ang kilalang Ace nang pacific titan na walang ibang nasa isip kundi ang National Championship at ang Major, bigla nalang magpapakasal.” Wika pa ni Hannah Habang nakatingin sa binata. “Alam mo masasabi kong napakaswerte nang naging asawa mo. kaya ngalang eh, marami siyang nasaktang mga fans mo. Ikaw? Hindi ka ba----” biglang naputol ang sasabihin ni Hannah nang biglang masalita ang binata. “Tapos ka na ba?” tanong ni Achellion napatingin sa kamay niyang nilalagyan nito nang benda. “Ah—Oo.” Wika nitong halatang nahiya saka tinanggal ang kamay na nakahawak pa rni sa kamay nang binata. “Peter let’s go home.” Wika ni Ryner na biglang tumayo mula sa kama na dahilan para magulat ang dalagang nurse at si Peter. “Oi, teka lang bakit ka uuwi magpahinga ka muna.” Wika ni Peter. “Tama ang kasama mo, Ryner. Magpahinga ka muna---” “Kailangan ko bang ma admit sa hospital with a simple sprain?” tanong nang binata na humarap sa nurse. “Hindi naman. Kaya lang---” “Hindi ko kailangang ma-admit. So, uuwi na ako.” Wika nito na biglang binuksan ang pinto saka lumabas naiwang tigalgal dahil sa labis na gulat si Hannah at si Peter dahil sa ginawa ni Ryner. Nagkatinginan naman sina Peter at Hannah dahil sa kilos ni Ryner. “Pasensya kana Miss. Hindi naman suplado yang si Ryner. Ewan ko ba---” “It’s okay. Mukhang naging madaldal din ako.” Wika nang nurse pero sa loob-loob niya hindi niya nagustuhan ang naging trator sa kanya nang binata. Siya lang naman itong nagiging friendly pero bakit kailangang umaktong ganoon si Ryner. At tama naman ang sinabi niya may mga fans Talaga si Ryner na gulat dahil sa biglaan nitong pagpapakasal at kahit na hindi pa nito publicly na sinasabi ang babae sa laro ang asawa nito marami nang espekulasyon dahil sa ginawa nitong paglapit sa dalaga pagkatapos nang laro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD