Biglang natigilan si Primrose nang biglang bumukas Ang trunk nang sasakyan ni Ryner. Natuptop ni Primrose Ang bibig Niya nang makita ang bola nang baseball na na nasa loob nang isang glass box. Ito ang parehong bola na na Nakita niya sa bahay ni Ryner. Hindi rin nakaligtas sa panigin ni Primrose ang autograph ni Ryner na nakalagay doon. Napapalibutan nang Primrose na bulaklak ang bola, habang sa palibot nang primrose ay ang puting rosas habang may mga nakasabit na balloon sa paligid. Talagang pinaghandaan nang binata.
Taka siya napatingin sa binata. Hindi Niya maintindihan Ang ibig sabihin nang mga nakita Niya.
"Why are you showing this to me?" Tanong nang dalaga. Dahil sa tanong ni Primrose biglang napangiti si Ryner. “Ito yung----”
“A promise is a promise. Tinupad ko na ang pangako ko. And you have my last name now.” Wika nang binata at ngumiti. Napatingin naman ang dalaga sa binata. At para bang pamilyar sa kanya ang sinabi nito.
“Kapag naging professional baseball player ka, akin ang unang autograph mo at akin na din ang apelyido mo.” Habang nakatingin siya sa binata biglang pumasok sa isip niya ang mga katagang iyon na lalong nagpagulo sa iip niya. Siya ba ang nagsabi noon?
"I once made a promise to a dear friend—that my first autograph would belong to her. She has always loved white roses, a symbol of purity and remembrance. Her name itself means protection, love, and devotion. And more than anyone else, she was the very first person who believed in me."
“It’s fine.” Wika ni Ryner saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo naalalahan ang lahat ngayon. Mahihirapan kang gawin iyon. Hihintayin ko ang panahon na kusa mo akong maalala. At habang naghihintay. Isa-isa kong tutuparin ang pangako ko.” Wika nang binata.
"I can finally give this to you with confidence." wika nang binata saka kinuha sa kamay ni Primrose ang hawak nitong plushie at inilagay ang box na may lamang Bola nang baseball. “It took me years and a second life to finally give this to you.” wika nang binata habang nakatingin sa kamay nang dalaga kung saan niya inilagay ang bola nang baseball niya.
Walang masabi si Rosette dahil sa labis nagulat. Napatingin lang siya sa bolang ibinigay sa kanya nang binata. Nasa isip niyang si Ryner ang kasagutan sa maraming tanong niya at sa mga alaalang tila nakalimutan niya.
"Wala ka bang sasabihin?" Tanong ni Ryner nang nakatingin lang sa bola sa kamay Niya Ang dalaga. Maya-maya napansin Niya Ang biglang pagpatak nang luha sa mata nang dalaga. Na agad namang pinahid nang dalaga. Hindi maintindihan nang dalaga kung bakit bigla siyang napaiyak.
"Why are you crying now?" Ryner asked, his voice laced with concern. But Primrose didn’t answer.
"You really are such a crybaby," he murmured, a soft chuckle escaping him before he pulled her into a comforting embrace, holding her close without hesitation
“Alam kong marami kang tanong at marami kang gustong itanong sa kin. You can ask me anything. Sasagutin kita. But let’s take it one step at a time.” Wika nang binata saka bahagyang kumawala sa dalaga at pinahid ang luha sa pisngi nang dalaga. “Masyado ka kasing iyakin.” Pilyong wika nang binata.
“Teka nga.” Anang dalaga saka lumayo sa binata. “Hindi ka pa abswelto sa atraso mo sa akin. Alam mo bang----”
“Alam ko.” Anang binata at muling niyakap ang dalaga.
“Alam mo naman pala. Bakit mo naman ako niyayakap? Nagiging mapangahas ka yata.” Dagdag pa nang dalaga. Ang gusto niyang sabihin kanina ay hindi pa niya napapatawad ang binata dahil sa ginawa nito.
“I know kasalanan ko. Hindi ko lang Talaga gustong ipaubaya ka sa iba. Hindi na ulit. At hindi kahit kailan.” Wika nang binata habang yakap ang dalaga. “Mas masakit iyon kesa ang mamatay nang paulit-ulit.” Wika pa ni Ryner. Dahilan naman para lumayo ang dalaga sa kanya at napatingin nang seryoso.
“Anong sinasabi mo?” tanong nang dalaga.
“Huwag mo nalang akong intindihin----” anang dalaga na muling yayakapin ang dalaga pero bigla siyang pinigilan ni Primrose at umiwas sa binata dahilan naman para mapatingin si Ryner sa asawa.
“Bakit?” Takang tanong nang binata na hindi maintindihan kung bakit bigla siyang pinigilan nang dalaga.
“Hoy Mister. Namimihasa ka ata. Akala mo ba papayag pa akong maging bulag sa nangyayari. Kung gusto mong manatili ako bilang asawa mo. I would suggest na huwag kang magsisinungaling sa akin. Kung meron man akong natutunan sa nangyari ngayon-----” putol na wika nang dalaga.
“Hindi ko gustong magsinungaling.” Nang nang binata na sa trunk. Napatingin naman si Primrose sa binata.
“Alam mo kasi hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag at kung maniniwala ka ba sa sasabihin ko. Dahil kung ako lang para kasing----” wika nang binata at naputol ang sasabihin saka napatingin kay Primrose. Hindi niya alam kung papaano sisimulang ipaliwanag kay Primrose ang nangyari. Saan siya magsisimula? Sa pagkawala ba nang alaala ng dalaga? Na dahilan kung bakit madali itong napapaniwala na magpakasala kay Zayne. O sa katotohanang ito ang pangalawang buhay niya.
“Saka na.” wika nang binata saka hinatak ang dalaga para maupo sa tabi niya. Nang mapaupo ang dalaga mabilis namang inihilig nang binata ang ulo niya sa balikat ni Primrose.
“Anong ginawa mo?” tanong nang dalaga.
“Let’s stay like this for a while. Napagod kasi ako sa laro kanina. Hindi biro ang mag pitch nang walong inning.” Anang binata.
“Nagrereklamo ka ba? Kung hindi ka naging pabaya sa unang apat na inning hindi ka----”
“Alam ko.” Agaw ni Ryner. “Masyadong magulo ang isip ko. Ang isiping iiwan moa ko at sasama kay Zayne. Hindi-----”
“Ano namang tingin mo sa kin? Kasal ako saiyo tapos sasama ako sa ibang lalaki? Mababaw yata ang pagkakakilala mo sakin. To think na akala ko ikaw ang mas nakakaintindi sa akin.” Wika ni Primrose. Bigla namang napalayo ang ulo ni Ryner sa dalaga at naatingin dito.
“Oh bakit?” tanong nang dalaga.
“Hindi na bai sang pretend marriage ang meron tayo ngayon?” napatingin naman si Primrose sa binata. At iyon din ang tanong niya sa sarili niya? Tanggap na ba niyang talagang mag-asawa sila ni Ryner?