Dmitry ILANG ARAW rin simula nang manatili ako sa Spain. Pauwi na ako ngayon at pabalik ng Pilipinas. I am drinking my wine, kahit hindi ako mahilig sa wine, habang naghihintay na umalis ang eroplano. It will take me almost 17 hours or longer to get back there. Ipinikit ko ang aking mga mata. I can’t wait to see Damon and Cecily. Habang nakapikit ang aking mga mata, hindi ko mapigilang alalahanin ang mga nangyari nitong nakaraan. Naalala ko rin na nabanggit sa akin ni Anton na nakita ni Cecily ang kalagayan ni Ruslan. Kailangan ko na sigurong ihanda ang aking sarili sa mga tanong niya sa susunod na magkita kami. Matapos kong malaman na si Cecily ang ina ng anak ko at sabihin niya sa akin na mali ang kwentong pinanghahawakan ko dahil hindi niya iniwan si Damon sa harapan ng bahay ko, n

