KABANATA 63

2738 Words

Cecily HINIHINTAY KO si Ingrid na makarating dito sa mall. Habang ginagawa ko iyon ay tinitingnan ko ang nakuha kong kwintas. Ang pendant ay mayroong design na kagayang-kagaya ng medallion na iniwan sa akin ng papa ko. May ahas na disenyo ito na pumoporma sa isang letter S at nakapulupot sa isang espada. Komplikado ang disenyo kaya’t noon ay hindi ko ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. May maliit na engraving akong nakita habang pinagmamasdan ang kwintas. Siciliano. Kumunot ang aking noo. Apelyido iyon ng aking mama, ngunit sa pagkakatanda ko ay hindi naman si Mama ang nagbigay sa akin nito kung hindi si Papa—maaari ring si Papa na ang nakapagbigay sa akin nito dahil wala na noon si Mama para gawin iyon. Napupuno ng katanungan ang aking isipan habang dumadaan ang oras. Who was

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD