Cecily NAGSABI NAMAN ako kay Dmitry na aalis ako. Sinabi ko sa kanya na kasama ko si Ingrid at kasama ko rin ang ilang guards ko kaya’t wala siyang dapat ipag-alala. Bago rin ako umalis ng Puerto Rivas, dinalaw ko muna si Damon. Nagsabi rin ako sa kanya na ilang araw akong mawawala dahil may aasikasuhin ako. “Sa amin ka na muna tumira,” sabi ni Ingrid. “Matutuwa si Kuya!” Napangiti ako. Close rin ako sa mga kapatid ni Ingrid. Para ko na rin silang nakatatandang mga kapatid. Ang pamilya talaga ni Ingrid iyong parang naging pamilya ko rin simula nang mamatay ang papa ko. “Thanks, Ingrid.” Nakarating kami sa bahay nila at tuwang-tuwa sina Kuya Jonas nang makita ako. Hindi mawala sa kanila ang batiin na halos hindi na raw nila ako makilala dahil matagal-tagal na simula nang huli nila ako

