TILA AY tumigil ang mundo ni Serene nang marinig ang sinabi ng nakababatang kapatid. Nang tingnan niya ang mga mata nito ay napansin niyang nangingilid ang mga luha nito habang kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi. Bigla siyang napatigil sa paggalaw. Maging ang paghinga nito ay napigil din niya nang hindi namamalayan. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatitig lang kay Clea. Nagbubukas-sara ang bibig ni Serene pero wala siyang ibang mabigkas. “A-Ano?” Iyon lang ang tanging salitang lumabas mula sa kan’yang labi. Nautal pa siya at nanginginig ang kan’yang mga kamay kaya naman ay ipinagdikit niya iyon. “Tama ba ang narinig ko, Clea?” Ang una niyang naisip ay ang katanungan kung bakit sa loob ng ilang taon nilang pagsasama ay hindi man lang niya namalayan na may ganoon ding pinagdaraan

