PAGSUKO. Iyan ang palaging ipinararamdam ng mundo kay Serene mula pa lang nang ipanganak ito. Sumuko sa paghinga noong mga panahong nahihirapan si Demi na ipanganak siya… Sumuko sa kan'yang pangarap noong mga panahong pinapatigil na siya ng kan'yang mga magulang sa pag-aaral… Sumuko sa buhay dahil sa iba't-ibang klase ng problema na ibinabato sa kan'ya ng tadhana na tila ay hindi nakikita na napapagod na rin siya dahil sa kan'yang mga nararanasan… At ngayon ay sumuko mula sa pagkuha niya sa hustisyang kan'yang inaasam dahil masyadong malakas ang kalaban nila, at sa mga panahong ito, hindi nila kakampi ang tadhana. Hindi naman kasi kumakampi ang tadhana sa mahihirap na kagaya niya. Pero sa gitna ng pagdududa niya sa kan'yang sarili… at sa unti-unti sana niyang pagbitaw mula sa pagkapi

