KATRINA's POV "Ang totoo niyan bestie, ay planado lahat ng iyong lola ang pagkikita natin. Lalong lalo na ang matagpuan ka ng mommy ni Enrica...Ikaw nga muna ang magkwento Enrica" naguguluhang tumingin ako kay Jenny habang inaayos ang pagkakaupo nito sa ibabaw ng kama. "Okay...Ganito kasi yan...Ayon sa kwento ng mommy ko, nang matagpuan ka niya na nakahiga sa isang bato ay labis siyang naawa sa kalagayan mo. Kaya't tinawagan niya ang iyong lola upanh ipag-bigay alam na natagpuan ka niya sa gilid ng kalsada. Nagpupuyos noon sa galit ang iyong lola dahil hindi niya akalain na ganun na ang ginagawa sa iyo ng iyong ama. Nang ipakilala ka sa akin ni mommy ay natuwa ako dahil mayroon na akong magiging kasama sa bahay. Alam mo naman laging wala si mommy..." isang malalim na buntong hininga ang

