ALLEN's POV "Boss, kumpirmado nga ang inyong kutob. Si Susana nga ang nasa likod ng pag-ambush kina Miss Isabella. Napag-alam ko ring si Mr. Kuko ang kasabwat nito. Mukhang gumagalaw na ang ilang mga kasamahan mo sa grupo dahil sa nalalapit mong pag-upo bilang ikalawang mafia" imporma sa akin ni Dugong. Mariin kong ikinuyom ang aking kamay at malakas na sinuntok ang ibabaw ng mesa dahilan kaya ito nabasag. Magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa nakikita si Isabella. Maging ang cellphone nito na nilagyan ko ng tracker ay natagpuan sa isang shopping mall. Pabagsak akong naupo sa aking swivel chair at marahas kong hinithit buga ang aking sigarilyo. Sa tindi ng galit ko ay buong lakas kong ibinato ang aking hawak na kopita kaya ito nabasag. Sumasakit ang aking ulo dahil hanggang ngayon wala

