"Ito ang tatandaan mo babae! Hanggang kama ka lang. Isa ka lamang parausan na ibinahay ng Fiancé ko. Akala mo hindi ko alam ang mga nangyayari sa inyo?! At saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha na manatili rito gayong alam mong malapit ng ikasal ang lalaking kinakalantari mo!" mariing anas nito sa akin habang mahigpit na hawak ang aking braso. Kararating ko lamang ngunit ito ang bumungad sa akin. Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nito dahil alam kong lahat ng iyon ay may katotohanan. "Hindi ko alam na may sa pusa ka rin pala. Akalain mo yun, nabuhay ka pang gaga ka!" anas nito na siyang ipinagtaka ko. Anong ibig nitong sabihin? Kahit pa sabihin nating mayroon akong karanasan sa pakikipaglaban at may angkin akong tapang. Ngunit ngayon ako natubuan ng kaba, ng guilt. Oo, alam ko mali

