ISABELLA's POV Matuling lumipas ang mga araw at ngayon ay masasabi kong magaling na nga ako. Mahusay ngang mag-alaga ang isang Allen Gray. Masasabi kong inalagaan ako nito ng husto at talagang hindi ito umalis sa aking tabi. Kasalukuyan kaming nandito sa kanyang mga kabayo kung saan niyaya niya akong mangabayo. Sa tagal kong nanatili sa bahay nito ay ngayon lamang ako makakapamasyal talaga. Napili ko ang puting kabayo. Kahit hindi ako marunong ay maagap naman ako nitong tinuruan kung paanong mangabayo ng tama. Sa likuran ko ito pumwesto habang hawak nito ang aking bewang. Sana'y huwag nang matapos ang araw na ito. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mga puno ng niyog kung saan hitik na hitik sa bunga ang mga punong ito. Masaya naman kaming binati ng mga tauhan nito dito sa niyuga

