Araw ng linggo, walang pasok dahil sa lakas na bugso ng ulan. Tahimik ang buong paligid. Ang tanging maririnig lamang ay ang malakas na bagsak ng ulan at kidlat. Nandito ako ngayon sa aking kwarto, hawak hawak ang litrato ng aking ina. Dahil ngayon ang kanyang kaarawan. Hindi ko man lamang siya nadalaw sa kanyang himlayan. Balak ko na sanang tumayo upang magtungo sa banyo ng makarinig ako ng mga kaluskos. Palakas ng palakas habang ito ay papalapit sa aking silid. Napansin ko ang mga anino sa ilalim ng aking pintuan. Mabilis na nilukob ng kaba ang aking dibdib. Ako ay walong taong gulang lamang. Ngunit nakahanda ako sa kahit na anuman ang mangyari. Mabilis kong kinuha ang aking laruang baril na itinago ko sa ilalim ng aking unan. Kahit nanginginig ang aking mga kamay ay nagawa ko pa rin

