MAHAL NA PANGINOON

1235 Words
Okay. May point naman siya. Kung hindi dahil sa kanya ay malamang baka inuuod na ako. “okay fine. Pero isang linggo lang” anas ko dito. Bigla namang nag-igting ang mga panga nito at ang dilim ng aura niya. Para siyang manlalapa ng tao. May nasabi ba akong masama? “Sino ka para magdesisyon. Sa ating dalawa ako ang masusunod. Mananatili ka sa aking bahay hangga’t hindi ko pa nakukuha ang kabayaran sa pagligtas ko sa’yo” I raised a brow after hearing what he just said. “Are you crazy? Hindi ba’t ang sabi mo ay kailangan kong sundin ang mga utos mo bilang kabayaran sa pag-ligtas mo sa akin?” anas ko dito habang salubong ang aking mga kilay. “Sabihin na lang natin na ang mga iyon ay bare minimum” anas nitong nakangisi. “bare minimum? Ano ka hilo? Tsaka ano bang gusto mo?” anas ko dito. I saw him smirking at me. “what are you smirking about?! porket gwapo ka-” hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang ako nitong hinalikan. “Ano? Magsasalita ka pa?” anas nito. Hindi na lamang ako nakakibo at ibinaling na lamang ang aking paningin sa bintana. Hindi naman nagtagal ay nakarating kami agad sa bahay nito. Masasabi kong malaki ang bahay niya. Malawak ang kapaligiran at maraming nag gagandahang bulaklak sa paligid. Ngunit maraming tauhan ang nagkalat sa paligid na animo ay sasabak sa gyera dahil sa mga naglalakihang baril na nakasukbit sa mga ito. Nagkibit balikat na lamang ako at hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako nito ng pinto. Nauna na akong naglakad hanggang sa mabunggo ng kung sino ang likuran ko. “bulag ka ba?” anas ko dito na siyang ikinasama ng tingin nito sa akin. Nilampasan lamang ako nito at nagtuloy tuloy na itong pumasok sa loob ng bahay nito. Namangha ako sa ganda ng bahay niya. The architectural design of the house is very intricate. Makikit ang elegance sa lahat ng furniture nakapaloob dito. Naagaw ng pansin ko ang isang malaking litrato ng isang taong nakaupo sa magarang upuan. His physique shows power and influence. Na kung titignan mo ay kikilabutan ka dahil sa aura nito. Walang iba kundi ang taong nagdala sa akin dito. I wonder what his business is at kung bakit siya nanduon sa party ng aking ama. Kailangan ko ring makausap si Jenny at Enrica para sa gagawing initiation sa akin sa pagsali sa kanilang organisasyon. Hindi naman daw ako sasaktan sa initiation na iyon. Hay. Bahala na. “Ma’am, ihahatid ko na po kayo sa inyong silid” anas ng isang dalagita. Isa siguro ito sa mga kasambahay sa bahay na ito. Nginitian ko lamang ito at sumunod dito. “Ma’am sabihan niyo lamang po ako kung may kailangan kayo. Pindutin niyo lamang po ang intercom. Utos po kasi ni lord na ako muna ang magiging assistant ninyo” napakunot naman ang aking noo sa tinuran nito. “Lord? Nakakausap mo si Lord?” maang na tanong ko dito. Na siya namang ikinapula ng mukha nito. “S-si L-lord po. I-yong kasama niyo po kanina ma’am.” bahagya pang naningkit ang aking mga mata sa mga tinuran nito. Paano namang naging lord ang taong iyon. “Lord? So, kailangan ko palang magkumpisal sa lord na iyon” anas ko at iniwan na ito. Mabilis ko namang nahanap ang library nito dahil inilibot ako nito sa buong kabahayan at itinuro kung saan ang mga kwarto at alin ang mga hindi maaaring pasukin. Kumatok ako ng dalawang beses hanggang sa marinig ko ang pagclick ng pinto. I entered the room confidently and shut the door. “Mahal na panginoon humihingi po ako ng tawad sa aking mga nagawang kasalanan” anas ko dito habang pinagsalikop ang aking mga kamay na parang nagdadasal. Samantala madilim naman ang aura nito at umigting ang panga nito. Mukhang hindi yata nagustuhan ni lord ang aking pagkukumpisal. Kung kaya’t mabilis akong tumayo at akmang bubuksan na sana ang pinto ng bigla itong maglock ng kusa. Gulat akong napabaling dito. Ngunit mukhang mali yata ang pagbaling ko dito dahil tumama ang mukha ko sa dibdib nito. I could smell his fresh breath like mint. I could also see some of his stubbles na nakakapagdagdag ng kagwapuhan nito. Oh, this man is so dead gorgeous. Kung hindi lamang ito isang Diyos baka kanina ko pa ito hinalikan. “M-mahal na P-panginoon. Patawad po” anas ko dito at nagkunwaring natatakot. “Niloloko mo ba ako babae?” mariing anas nito. Mahahala rin sa boses nito ang nagtitimping galit. Napatikhim ako upang alisin ang bara sa aking lalamunan. “Hindi kita niloloko. Bakit ba kasi lord ang tawag sayo? Diyos ka ba ha?” anas ko dito. Nakipagsukatan ako ng tingin dito ngunit ako rin ang kusang sumuko dahil grabe namang hotness nito. “Ito ang pakatatandaan mo. Itikom mo ang bibig mo anuman ang marinig mo sa bahay na ito at manatiling pikit ang mga mata mo sa anumang makita mo rito” anas nito. Dahil masunurin ako ay ipinikit ko ang aking mga mata at itinikom ko ang aking bibig. Sabi niya itikom ko ang aking bibig at ipikit ang aking mga mata sa kahit na anuman ang makita ko. Masunurin lamang ako. Ang sabi naman nito ay sundin ko ang lahat ng utos nito. “Isang-isa kana lang babae! Kung hindi makakatikim ka ng bagay na hindi mo pa natitikman!” mariing anas nito. “Sumusunod lamang ako sa utos mo. Hindi ba’t ang sabi mo sundin ko lahat ng utos mo bilang kabayaran sa pagligtas mo sa akin?” anas ko habang nakapikit. “masunurin kaya ito-” hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla nitong sinuwelyuhan ang aking labi gamit ang mga labi nito. Mukhang nakakarami na ito ng halik sa akin ha. Mas lalo pang naging mapusok ang halik nito kung kaya’t unti unti akong nadadala dito. Hindi kalaunan ay kusang tumugon na ang aking mga labi. Nakipaglaban ako ng halikan dito. Hanggang sa itaas nito ang aking damit at walang sawang pinaghahalikan ang aking dalawang bundok. Hindi ko naman maiwasang mapaungol sa ginagawa nito. Hanggang sa tumunog ang telepono nito. “Hindi pa tayo tapos babae!” anas nito. Mabilis ko namang tinungo ang pinto at thankfully nakalabas ako ng matiwasay. Lakad takbo ang aking ginawa makarating lamang sa aking silid. Nang makapasok ako ay isinara ko ang pinto at mabilis itong ini-lock. Napasandal ako sa likod ng pinto habang hawak ang aking labi. My goodness. Ilang beses na ba akong nahalikan ng taong iyon na ni pangalan ay hindi ko man lamang alam. To be honest I haven’t kissed anyone in my life. Nagpasya na lamang akong buksan ang aking bag upang kuhanin ang cellphone na bigay sa akin ni Jenny kanina. Kailangan ko nga pala itong contakin dahil buo na ang pasiya ko. Nais kong maging isang kasapi ng kanilang organisasyon. Gusto kong mas lumawak pa ang kaalaman ko sa kalakaran ng kriminalidad. Patawarin nawa ako ng aking ina kung bakit papasukin ko ang mundo ng karahasan. Kailangan kong ipaghiganti ang inyong pagkamatay inay. Magbabayad ang sinuman, kahit sarili ko pang ama. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang yapos ang unan. May mumunting butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata dahil hindi ko maiwasang isipin ang kaganapan sa aking nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD