“h-hey… T-thank you..for…saving me” nahihiyang anas ko dito ngunit nakatingin lamang ito sa akin na para bang hindi naniniwala na pinasalamatan ko ito. I saw him smirking and came closer to me.
“I don’t accept thank you” He said in a hoarse voice, sliding his fingers on my arm. At the moment, I felt a burning sensation that lingers in my skin.
He slowly moves his head towards mine, trying to reach my lips. I closed my eyes, but was stunned when he inserted an apple into my open lips. My face turned red. What was I thinking? I bit my lower lip and looked to the other side.
“a-ako na. K-kaya ko naman” pigil ko dito dahil balak nitong subuan ako ng inislice nitong apple. Ngunit sinamaan lamang ako ng tingin. I bit my lower lip which made his breathing go deep. I hear him mutter and quickly got up, left, and shut the door. I was left dumbfounded. What was that?
Napagpasiyahan ko na lamang ituloy ang pagkain ko ng apple. Kailangan ko ng mag-ayos ng aking sarili. Kaya ko naman na at nakapag pahinga naman ako kanina right after I woke up. Pinilit kong umalis sa aking higaan kahit may konting nginig pa akong nararamdaman sa aking katawan.
I washed my face to freshen up dahil pakiramdam ko ay super oily na ng face ko at nalipasan na ng panahon. I looked at myself in the mirror. Ang laki ng ipinayat ko. Ikaw ba naman ang ma-coma ng ilang araw at walang kain.
“Isabella, diyos ko. Mabuti at maayos ka na ngayon. Nag-aalala kami sayo friend” nag-aalalang anas ni Enrica. Habang yapos yapos ang aking mga kamay.
“Ayos lamang ako. Salamat.”
“Oo nga pala, dinalhan ka namin ng mga paborito mong foods. Nangangayayat kana girl” anas ni Jenny. Itinaas pa nito ang hawak nitong plastic bags na may lamang mga pagkain. I can smell the freshly baked lasagna and croissants. I am starving.
“Bella, alam mo naman ang organisasyong kinabibilangan ng iyong ama hindi ba? Baka panahon na rin para sumapi ka sa organisasyon ng aking pamilya.” seryosong anas ni Jenny na sinegundahan naman ni Enrica. Mga miyembro kasi ang mga ito ng isang organisasyon. Hindi lang ordinaryong organisasyon. Ito ay grupo ng mga Mafia na lumalaban sa mga kapwa mafia din. Ang mga matalik na magkaaway sa kriminalidad na ito ay ang The Blood Oath na siyang kinabibilangan ng aking yumaong ina at ang pamila nina Jenny at Enrica, at ang Bloodline Cartel na siyang kinabibilangan ng aking ama.
Hindi ito lingid sa aking kaalaman. Ang aking ama ay isang kasapi ng mga mafia. Matagal na itong naghahangad na makuha ang mataas na posisyon kaya pinatay niya ang aking ina. Accusing my mom of adultery was just a facade, ngunit hindi niya pa rin talaga matanggap na ako ay isang anak sa labas. Anak nga ba akong talaga sa labas o isa akong Del Rosario talaga? Ang pagkamatay ng aking ina ay siyang nagluklok sa aking ama upang maupo bilang isang Mafia. Ngunit hindi kasing lakas ng ibang mga mafia sa organisasyong iyon.
Dahil isa sa mga rules ng Bloodline Cartel ay kung sino man ang kikitil sa buhay ng isang mafia lord o kahit na sinong miyembro ng The Blood Oath ay awtomatikong tataas ang puntos nito at makakakuha ng espesyal na upuan sa mga linya ng mga Mafia lords ng Bloodline Cartel. Ito rin ang dahilan kung bakit mas ninais kong huwag manirahan sa aming tahanan. Dahil ayokong maalala ang mga bagay na nangyari doon at ayaw kong habambuhay kong pagdusahan ang pagmamalupit sa akin ng aking ama.
Hindi na ako takot sa kanya. Hindi na. Dahil titiyakin kong malalaman ko din ang buong katotohanan. Kung anong papel ng aking madrasta sa aming buhay. Ngunit kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang aking paggaling dahil nakatitiyak akong kakailanganin ko ng lakas upang sumabak sa isang training. Dahil ayon sa kwento ng aking mga kaibigan ay kailangan kong pag-aralan ang bawat galaw bilang isang kasapi ng kanilang organisasyon.
-
Araw ng linggo, ngayon ang aking labas sa hospital. Tuluyan na nga akong gumaling at tuluyan ng nawala ang mga latay sa aking likuran. Masasabi kong mahuhusay ang mga gamot at doktor sa hospital na ito.
“Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Mister. Ngunit kailangan ko ng umalis” anas ko dito habang nakalahad ang aking kamay upang makipagkamay sana ngunit tinignan niya lamang ito. Minarapat ko na lamang na hilahin ang aking kamay at ilagay sa bulsa ng suot kong shorts.
“Hindi ko sinabing aalis ka. Sa akin kana titira whether you like it or not” biglang nagpanting ang tainga ko sa aking mga narinig. Nahihibang na ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala. Maging nang kanyang pangalan ay hindi ko alam. Oo nga at nag kiss na kami pero hindi ibig sabihin niyon ay may karapatan na siyang manduhan ako o magdesisyon para sa akin.
“Sino ka ba sa inaakala mo? I will not go with you” anas ko dito at nakipagsukatan ako ng tingin dito na kalaunan ay ako rin ang unang sumuko dahil nakakahipnotismo ang mga titig niya. Para akong hinihigop ng buo.
“Bilang kabayaran sa pagtulong ko sa iyo ay kailangan mong sundin ang lahat ng utos ko sa iyo. Mananatili ka sa aking bahay. Tapos ang usapan” mariing anas nito. At wala na akong nagawa ng bigla niya akong hilahin sa kamay at pilit na pinasakay sa kanyang sasakyan.