ALLEN GRAY’s POV
“Lord, nahanap na po namin siya. Ayon sa mga witnesses nakita nila si Miss Isabella sa may memorial park kung saan nakalibing ang kanyang ina. Ngunit kinuha siya ng mga tauhan ng kanyang ama. Ayon sa ating espiya sa loob ng mansiyon nila ay dinala si Miss Isabella sa isang bartolina. Kung saan doon siya balak pahirapan ng kanyang ama. May binabalak ding kagaguhan itong si Mr. Alehandro Del Rosario, na ibenta ang anak niya sa isa sa mga kalaban mo sa organisasyong kinabibilangan nila. Narito ho ang audio recorder na nakuha ni Jose. Marami raw mga tauhan ang nagkalat sa paligid ng bartolina dahil may sa tuso daw itong si Miss Isabella. Kaya nitong tumakas” mahigpit kong ikinuyom ang aking kamao at walang habas kong sinuntok ang mesa dahilan ng pagkabasag nito.
“ahhhhhhh! s**t!!!”
“hahaha, iyan lang ba ang kaya mo?!”
“ahhhhh!!!! inutusan ka pa talaga ng aking ama para saktan ako!!!! wala kang kwenta. Ahhhh--hayup!” halos rinig sa audio recorder ang paghampas sa kanya ng latigo. Humanda ka sa akin Alehandro. At mabilis kong pinatay ang recorder dahil labis akong nasusuklam. Mukhang ito na siguro ang pagkakataon ko upang tuluyan ng wasakin ang kahibangan nga Alehandro na iyan.
“nakahanda na ba ang lahat?” anas ko sa aking tauhan.
“Yes, lord. Nakahanda na po ang lahat. Naikabit na po ang lahat ng mga bomb sa paligid ng bahay nila maging ang ilang mga negosyo ni Mr. Alehandro”
“Good” anas ko dito at inisang lagok ang kopita ng alak. Mabilis kong dinampot ang aking baril at coat. Mukhang kailangan kong mag exercise ngayong gabi. Malas mo lamang Alehandro dahil sinaktan mo ang pagmamay-ari ko.
ISABELLA’s POV
Napakislot ako ng sunod-sunod akong hatawin ng latigo sa aking likuran. Kahit nasasaktan na ako at nanghihina ay nagagawa ko pa ring tumawa na siyang ikinainis ng taong may hawak ng latigo. Dala ng inis nito ay mariin akong hinampas sa aking ulo. Nanlalabo na ang aking paningin at pakiramdam ko ay namamasa na ang aking ulo, sa tingin ko ay dumadaloy na ang dugo mula dito. May unting lumalabas na ring dugo sa aking bunganga.
Bako ako mawalan ng malay tao ay nakita kong nagbukas ang ilaw at malakas na pagsabog ang aking narinig sa buong kapaligiran. Bago ko ipikit ang aking mga mata ay dalawang pares ng itim na sapatos ang aking nasilayan.
“m-mommy?” anas ko sa isang babaeng nakasuot ng putting dress. I remember this dress, it was my mom’s favorite white dress. Nakikita ko kung gaano kaaliwalas ng kanyang mukha. Napakasaya niya.
“m-mommy, is th-that you?” hindi makapaniwalang anas ko dito. Inilahad nito ang kanyang kamay na siya namang inabot ko. It feels so real. Ayoko ng matapos ito.
“m-mommy! I miss you so much, mom!” mangiyak ngiyak na anas ko dito. Ngunit tinignan lamang ako nito nang nakangiti.
“I miss you too, anak. Patawarin mo ako, wala ako sa tabi mo.”
“Ngunit kailangan mo ng umalis. Mahal na mahal kita” anas nito at mariing hinalikan ang aking noo. Pagkatapos niyon ay para na siyang abo na unti unting nilulusaw ng hangin.
“Nooooooooo!!!!!” malakas na hiyaw ko.
“Sir, the patient is now awake” anas ng taong hindi ko kilala. Nakasuot ito ng itim na damit at may maiksing buhok.
“Call the doctor, now!” maawtoridad na utos ng isang lalaki. Napakamanly ng boses niya. Ngunit nanlalabo pa rin ang aking paningin. Kahit nanghihina pa rin ay pinilit kong makaupo ng tuwid at sumandal sa headboard.
Dali dali naman itong lumapit sa akin upang alalayan ako. That smell is so familiar. Ikinurap kurap ko ang aking mga mata. Until everything looks clear. Gulat na inilibot ko ang aking pangingin sa paligid. Everything is different. I am not in my unit nor at my friend’s house. I am at someone’s place whom I don’t know.
Naguguluhang napatingin ako dito. Nagtatanong ang aking mga mata. Ngunit nakatingin lamang siya sa akin blankly. Hindi ko mabasa ang nilalaman ng kanyang mga tingin. Kung kaya’t ako na lamang ang unang umiwas dahil pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako sa paraan ang pagtitig niya.
“The patient is slowly recovering. Just keep smearing this ointment on her lashes so they won’t make any scars. Do this three times a day for 3 days. The lashes are actually healing. I can only see a few spots. And give her these medicines to help her recover fast.” mahabang litanya ng doctor.
“W-wait. H-how long has I been sleeping?” I asked.
“You’ve been in a coma for 2 weeks” anas ng doctor which made my lips part and my eyes widened. That long? How harsh were the lashes? Oh no, maybe it was because he hit me with something so hard. I heaved a deep sigh and pouted.