Chapter 2

1492 Words
Yo! Nandito na kami ngayon nina Pulso at ate Josephina sa sinasabi niyang merchandiser. At nakaupo kami ngayon sa parang sofa nitong silid aklatan ba to o opisina? Ah basta nandito kami sa pagtatrabahuhan namin ni Pulso. "Ah Mr. Blake, sila sina Matheo at Pulse. Parehas labing-pitong taong gulang. Malapit silang bata sakin. Kaya nais ko sanang tulungan sila kahit sa paghahanap lang ng trabaho. Eh naisip ko naman bigla na naghahanap kayo ng makakatulong dito sa silid aklatan mo. Sana tanggapin mo po sila Mr. Blake" natetensyong saad ni ate Josephina. Bago kami umalis sa bahay, ay hindi, habang naglalakad pala kami papunta dito. Sinabi samin ni ate Josephina na may pagka strikto daw si Mr. Blake kaya ngayon kahit kami ni Pulso eh hindi makapagsalita. "Mapagkakatiwalaan ba ang mga yan?Masisipag ba sila? May galang ba ang mga yan?" Sunod-sunod na tanong ni Mr. Blake kay ate Josephina. Inisang phrase nalang ni Mr. Blake, siguro tamad din tong magsalita ano? "Opo opo Mr. Blake. Mababait po sila. Sabihin nalang nating pasaway pero may galang po ang mga yan. Masisipag po sila at mapagkakatiwalaan. Hindi po kayo magsisising tanggapin sila, Mr. Blake. Pinapangako ko po yun" nakangiti nang sambit ni ate Josephina. Nawala na siguro tensyon niya nang makasalita si Mr. Blake. Di ko pa ba sinabi na simula kanina hindi nagsasalita si Mr. Blake na yan? Ayan nasabi ko na. Nakadagdag tensyon yun mula nung pumasok kami dito. Akala mo ba naman eh may kaso kaming dapat harapin at si Mr. Blake yung taga desisyon kung makukulong ba kami o hindi. Buset lang. "Sige tatanggapin ko sila. Pwede na silang magsimula ng trabaho bukas. Siguraduhin mo lang na may kwenta yang mga yan dahil kung hindi..." Sambit ni Mr. Blake nang may seryosong ekspresyon. Masakit mang isiping parang wala kaming kwenta pero...wala talaga eh bakit ba. Hindi, syempre may kwenta kami no. "Sir don't worry, mapagkakatiwalaan po kami at may kwenta. Kung gusto niyo po eh kami na ang gagawa ng trabaho dito. Multi tasking ata si Pulso. Kaya wala po kayong dapat alalahanin" nakangiti kong sambit kay Mr. Blake na kinatingin sakin ni Pulso. "Hoy anong ako? Ano, ako lang gagawa ng lahat tas gagawin mo maglilinis lang? Ganon?" Di makapaniwalang sawsaw ni Pulso nung marinig ang sinabi ko. Aba magkatabi kaya kami. Sinagot ko lang siya ng ngiti. Di na ako nagsalita pa na ikina tingin niya sakin lalo ng nakakunot noo. Hindi makapaniwala ang ungas haha. "May alam ka ba sa pagsasalita ng ingles bata? Tsaka sino ba si Pulso?" Tanong sakin ni Mr. Blake. "Medyo po. Pulso po ang pangalan ng katabi kong to. Ang buong pangalan niya po ay Pulse Jaison. Ako naman po si Matheo Yllouiesè Nevera po, sir" sagot ko kay Mr. Blake nang nakangiti sabay harap kay Pulso tas ngiti din sa kaniya. "Yllo—ano?" Takhang tanong ni Mr. Blake sakin. "Yllouiesè po sir. Kung nahihirapan po kayo pwede niyo nalang po akong tawaging Matheo" saad ko nalang na ikinatango ni sir. "Sir, pwede na po ba kaming umalis? Babatukan ko pa po tong katabi ko. Ayoko ko namang maging bastos sa harapan ng boss namin kung dito ko pa to babatukan" magalang naman na singit ni Pulso na ikinatingin ko sa kanya. At dahil dun nasiko ko siya. "Aray! Nuba Yllouiesè. Babatukan talaga kita ano" saad nito sakin habang hinahawakan ang tagiliran niya. "Heh. Sige, bukas nalang tayo magkita. Magsuot kayo ng magandang damit para bukas" sabi nalang ni Mr. Blake nang may kaunting-kaunting ngiti na makikita sa labi. "Aba syempre sir! Di naman namin gustong sirain itong pagkasikat ng silid aklatan niyo sir ano. Don't worry po sir paghahanapin ko ng damit si Pulso" nakangiti kong sagot tsaka tumayo na kami tsaka lumabas na ng opisina ni Mr. Blake. "Aray! Ano ba!" Biglang sigaw ko ng may dumamping kamay sa batok ko. Ansakit kaya nun. Ikaw ba namang batukin, muntik pa akong mauntog sa pinto bwesit. "Kasalanan mo yan. Bat mo ba ako nilalaglag Yllouiesè? Nilaglag ba kita ha? Yawa to" nakasimangot na sambit ni Pulso sakin. Babatukan pa sana ako nang hinarang ko yung kamay ko sa kanya kaya hindi natuloy. "Oi anuba, pinapaganda ko lang sarili mo kay Mr. Blake ano. Pasalamat ka nga at naisip ko yun" sagot ko nalang dito sabay kutos sa kaniya at nauna nang maglakad na sana di ko ginawa. "Aray!" Pinatid ako nung gago, muntikan nakong madapa, salamat nalang eh may poste ng ilaw sa nilalakadan ko kung wala, nudnud talaga ulo ko. "Hahaha!" Tawang-tawa nalang nito habang nakahawak sa tiyan. "Ako talaga makapatid sayo malalaman mo. Teka asan na ba si ate Josephina?" Pagbabanta ko sa kaniya sabay tanong sa nawawalang ate Josephina. "Ewan. Asa loob pa ata. Kinakausap si Mr. Blake" sagot nito sabay lagay ng dalawang kamay sa batok. "Tungkol kay Mr. Blake. Grabe aura niya no? Parang pinaghahatulan tayo. Tsaka nakakatakot talaga. Dinadaan ko na ngalang sa biro para naman kumalma. Pero wag ka, nawala tensyon ko dun" sabi ko kay Pulso tungkol kay Mr. Blake. "Ikaw lang ungas. Kaunti nalang manginginig na ako sa mga pinanggagawa mo sakin" sabi naman nito sakin na ikinatawa ko. "Wala na akong mahanap na irarason eh kaya ikaw nalang haha! Alangan namang si ate Josephina eh tensyon na tensyon yun" sagot ko nalang dito na ikinatingin niya sakin ng masakit na tinawanan ko lang sabay akbay sa kaniya. "Basta nakakatakot siya. Yung bang konting mali lang makakain na tayo haha. Bukas ayus ayusin mo ha" biglang sabi naman ni Pulso. Sinalin ko na yung kamay kong nakaakbay sa kaniya, sa bulsa ko sabay hinto. Aba hihintayin pa namin daw dito sa tabi ng poste si ate ano. "Oo nga ano. Sana bukas nakangiti na yun. Katakot kaya" sagot ko nalang. "Alam mo may kagwapuhan si sir Blake. Ano kaya itsura ni sir kapag nakangiti ano?" Tanong naman bigla ni Pulso. "Ungas?" sagot ko dito sabay tingin sa kaniya ng dimakapaniwala na ikinakunot ng noo niya. "Bakit? Hindi ako bakla ha" natatarantang saad naman nito. "Di ko naman sinabi ah" sabi ko dito sabay tawa. Loko anyawa! "Masamang pag-usapan ang isang tao habang nakatalikod" sawsaw naman bigla ng kung sino. Nang lumingon kami may isang taong mukhang matanda samin ng kaunti ni Pulso. May katangkadan kasi. "Luh hindi ah. Sadyang sinasabi lang namin kung ano yung tingin namin para sakanya. Eh nakakatakot naman eh" sabi naman ni Pulso sa lalake. "Oo nga. Naku tol, kung makikita mo lang itsura nun. Hindi ka talaga makakagalaw. Hanggang ngayon nga parang hindi parin nawala takot ko" sawsaw ko naman na ikinatingin sakin nung lalake. "Bakit?? Totoo naman ah. Pumasok ka kaya dun para malaman mo" sabi ko ulit kasi hindi ako sinagot nung lalake. Nakatingin lang kasi ang puta para walang balak magsalita. Parang baliw tuloy ako dito. "Haha may kinakausap ka Matheo? Haha!" Tawa bigla sakin ni Pulso nung makitang hindi ako pinansin nung lalake na umalis nalang. Di manlang nagsalita, nung hindi nga siya pinapansin sawsaw naman ng sawsaw pero nung kinausap ko na tinignan lang ako tas umalis agad. Ginagago ba ako nito? "Manahimik ka nga! Bwesit. Nung hindi nga pinansin sumisingit naman pero nung kinausap ko tinignan lang ako at umalis. Nanloloko lang ganun" pagmamaktol ko naman at pagsabi ng iniisip. Kainis. "Haha! Ampangit mo kasi! Hahahaha!" Tawang tawa naman sambit nito. Sarap tadyakan. "Oh mga bata. Pasensya sa paghihintay ah. Punta tayo dun sa pamilihan ng damit, bili tayo. Pambawi ko lang sa pagpapahintay sa inyo" sabi ni ate Josephina. Kakalabas niya lang dun sa silid aklatan. Parang ngang namamawis si ate. Nung mapansing tumitingin ako sa noo niya nga eh pinahiran niya yung pawis niya. "Luh ate ok lang po yun uy. Wala namang problema samin yun. Tsaka bat po natagalan kayo sa loob?" Usisa ko nalang dito. Hindi ko nalang pinagtuunan ng pansin yung pawis ni ate parang di niya naman ata nais ipahalata yun. "Ah yun ba? May pinag-usapin lang muna kami ni Mr. Blake. Tungkol lang naman yun sa pagsisimula niyo ng trabaho bukas hehe" natatarantang sabi ni ate Josephina samin. Kung titignan parang may iba pa silang pinag-usapan bukod sa pagsisimula namin ng trabaho bukas. "Ah ganun po ba? Sige po ate punta na tayo dun sa pamilihan ng damit" sagot ko nalang sa kaniya sabay bigay ng ngiti para hindi naman niya mahalatang di ako naniniwala sa kaniya. "Osige mabuti pa nga. Tara na" nagmamadali nitong sambit samin ni Pulso. Habang naglalakad ay napapansin kong lingon siya ng lingon dun sa may silid aklatan. Ewan pero parang biglang tumindig yung balahibo ko sa likod nung sinubukan ko ding lumingon. May isang tao kasing nakatayo malapit sa silid aklatan ni Mr. Blake. Di maaninag ang itsura kasi papalayo na kami kaya binalik ko nalang yung paningin sa harap sabay kulit kay Pulso na ikinainis niya. Para naman ket papano eh mawala sa isip ko yung taong yun. Sadyang matatakutin lang talaga ako. To be continue~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD