Chapter 3

1837 Words
*Someone's P.O.V* May dalawang lalaking nakatago sa gilid ng eskinita ng isang pamilihan. Hindi mo maaaninag ang bawat mukha nila dahil sa nakatakip na malalim na hood ng suot nilang damit kung kaya't ay baba lang makikita. "Siya ba yung sinabi mong bata na hinahanap ni Mr—" naputol na saad nung isang lalaki. "Oo siya. Manahimik ka. Wag mong sabihin ang pangalan niya kung gusto mo pang mabuhay. Ang kailangan lang nating gawin ay manmanan siya at bantayan ang bawat kilos niya. Alam mo na ang mangyayari kapag may nangyaring masama" pagbabanta naman ng kasama nito sa kaniya. At unti-unti silang nawawala papunta sa madilin na parte ng eskinita. *Yllouiesè P.O.V* "Oi Pulso! Ito sayo oh, bagay yiee" tawag ko kay Pulso sabay pakita sa kaniya ng damit pang babae na ikinasakit ng tingin niya sakin at kinatawa naman ni ate Josephina. "Naku! Pulso bagay nga" dagdag naman ni ate Josephina na parang natatawa na. "Witwiw! Woooo! Ganda ah" sabi ko sabay lapit sa kaniya kunwari nung damit at parang sinusukat-sukat pa kaya napapatingin samin yung ibang tao. "Ilayo mo nga yan! Kadiri ka Yllo! Mas bagay sayo yan!" Pagbabalik naman nito sakin ng biro ko. "Ano? Talaga? Sige nga tignan ko" masaya ko namang saad sa kaniya tas kunwaring sinusukat-sukat yung damit at parang winawagay-wagayway pa sa katawan ko na ikinatawa nung ibang nakakakita at ni ate Josephina. "Anuba kadiri! Nakikisabay pa eh.......pfft pffttt puahahahahah!" Bulyaw nito pero wala na siyang nagawa at di na napigilan ang pagtawa nung kunwaring sumasayaw na ako dito habang hinahawakan parin yung damit na nakalapat sa katawan. Luh di ko sinusuot ah. "Puslo~" pagbibiro ko dito habang sayaw ng sayaw na ikinatawa niya lalo. Puta ang saya niya. "Gandang-ganda ka naman! Hahaha!" Sabi ko naman sa kaniya sabay tawa at tinigil na ang kahibangang pinagiisip ko. "Anong gandang-ganda. Tawang tawa kamo! Hahaha!" Sagot naman nito habang pinapahiran na yung matang naluluha kakatawa. Si ate Josephina nga eh ganun din. Hindi na nakapagpili ng damit tuloy. "Ewan ko sainyo. Mamili na nga kayo diyan para makauwi na tayo. Walang kasama dun yung mga bata" saad naman bigla ni ate Josephina kaya umayos na kami ni Pulso at namili na ng damit. "Mamimili kami ate ha. Babayaran mo to sabi mo" panigurado kong sabi kay ate. Aba baka binibiro lang niya kami eh lagot na. "Abay oo naman. Alangan namang kayo ang magbabayad nito eh wala nga kayong pera" natatawa namang sambit ni ate na kinatawa nalang namin. Parang baliw na kami dito. *After a while* "Tenteneneeen! Voila! Dami nito. Uy Pulso bigay mo sakin yung iba mo dyan ah. Baka may magaganda ka diyang damit. Bigay mo na sakin" pagtaas ko nung dalawang paper bag na puno ng damit na dala ko sabay tawag kay Pulso. "Apaka swapang mo naman masyado Nevera. Dalawang bag na nga yang sayo eh kukunin mo pa yung akin. Ano nalang susuotin ko bukas kung kukunin mo pa to" bulyaw sakin ni Pulso. "Eh mag brief ka nalang. Tutal hindi ka naman nahihiya" sabi ko dito sa nguso pa. "Batok gusto mo? Tsaka wag ka ngang ngumuso nguso dyan, para kang patong mangigitlog" sabi naman nito sakin sabay tingin sa harap. "Maganda naman. Hmm" sagot ko dito sabay nguso pa lalo habang nakaharap sa kaniya. *Boogsh* "Aray" ingas ko nung mabunggo ako sa isang lalake. Di kasi ako tumitingin sa daan. Yan tuloy. Nang tingnan ko yung nakabungguan ko, nakatingin lang siya sakin. May katangkaran ito. Kaya hindi manlang natinag. "Oh bata, ok ka lang ba? Pasensya di ko sinasadya" biglang sabi nito sabay tulong sakin para pulutin yung paper bag na nabitawan ko dahil sa pagkabunggo. "Ah hindi, ok lang po. Kasalanan ko naman po kasi. Di po ako tumitingin sa daan. Pasenya po talaga" sagot ko dito sabay kuha sa kaniya nung paper bag at pasalamat tas takbo na sa tabi nina Pulso at ate Josephina. "Yan kasi, nguso pa" sermon ni Pulso nung makalapit na ako sa kaniya. "Ewan" sagot ko nalang sa kaniya sabay ayos na nang lakad. "Ok ka lang ba Yllouiesè?" Nagaalala namang tanong ni ate Josephina na tinanguan ko lang at bahagyang nginitian. Nang lumingon ako, nakita kong nakaharap at nakatingin sakin yung lalaki. Ewan ko, pero parang ang weird lang nung nararamdaman ko. Parang parehas lang nung nangyari kanina. *Pagkalipas ng dalawang oras* "Tabs! Juli! Bein! Bina! Nandito na kami!" Tawag ko agad sa kanila nang makarating. Pagkapasok ko ay wala akong naririnig na ingay ng mga bata. Wala din akong naririnig na hagikgikan. Ganito kasi parati kapag umaalis kami ni Pulso para gawin yung mga pinag utos samin. Tumatago sila kapag alam nilang nakauwi na kami. Pero ngayon walang ingay, napakatahimik lang. Di naman to nangyayari dati. Ngayon lang talaga nangyari to. "Tabs? Juli? Bein, Bina?" Tawag ko ulit. Lilingon sana ako para tanungin sina ate at Pulse kung may napapansin ba sila pero nung lumingon na ako ay nakita kong parehas sila walang malay. Napaatras ako dahil dun at nabitawan yung paper bag nang mabangga ako sa isang haligi. Nang lingunin ko ay tao pala ito. Matangkad ito, hanggang dibdib niya lang ako. Hindi ko maaninag ang mga mata dahil may nakatakip na hood dito. Nakalabas lang yung babang nasisilayan ng mala demonyong ngiti. Biglaan akong umatras pero nabangga ulit ako sa isang bagay, nang lingunin ko naman kasamahan ito nung isa. "Tulong..! Hmp! Hmmp! Nngf!" Sisigaw sana ako nung bigla nitong tinakpan panyo ang baba ko at sa di maipaliwanag na dahilan ay parang inantok ako bigla. "Hmmp!....hmp! Ngff!..." Di ko na nakakaya yung antok kaya unti unti na akong sumusuko sa pagkakahawak nung lalaki sakin hanggang sa mawalan na ako ng malay. ******* 'Nasan to? Nasan ako?'. Yan yung mga salitang nais kong sambitin pero di ko magawa dahil sa telang nakatali mula sa bibig hanggang batok ko. Inaaninag ko palang yung paligid nang biglang bumukas yung pintong nasa harapan ko lang at pumasok ang limang lalake. Nang iangat ko ang paningin ay nakita ko yung mukha nung lalaking nasa gitna. 'Teka siya yung nakabunggo ko kanina ah' di makapaniwalang isip ko. Nang mapansin, ay binigyan ko siya ng tingin na sinasabing 'tulungan mo ko' pero sinagot lang niya ako ng isang ngisi na ikinatakha ko. Wag niyong sabihin na isa siya sa mga taong dumakip sakin? "Wow. Gising ka na pala. Long time no see" nakangiting sambit nito na sinuklian ko lang ng masakit na tingin. Gago tong taong to, kaya naman pala ansama ng kutob ko sa kaniya nung una palang. "Woah woah. Kalma tayo dyan. Nakakamatay naman yang tingin mo" sabi nito sabay tawa pa kasama yung mga kasamahan niya. Kung makakawala ako dito, sana bigyan manlang ako ng pagkakataong masuntok tong bwesit na to. Di ko naman talaga siya pinagkatiwalaan pero parang kumukulo dugo ko dito eh. Di naman ako babae para magka menstruation pero naiinis ako. "Hmmp!!" Biglaan kong pagtayo para sana untugin siya subalit di ko alam na nakatali pala yung kamay ko kaya agad din akong napaupo pabalik sa pwesto ko kanina. "Woah aggressive. Wag kang mag-alala makaalis ka din dyan" sabi nito sabay kuha nung tali sa bibig ko. "Puah! Saan yung mga bata?" Agad kong tanong matapos makuha yung tali na nagpasakit ng bibig ko. "Anong mga bata? May mga bata ba?" Tanong nito sakin sabay bigay din ng sarkastikong tanong sa mga kasamahan niya na ikinatawa nila. "Gago ka ba? Natural yung mga batang kasama ko sa bahay. Alam ko namang kinuha mo sila. Wala ka bang muwang ha?" Galit kong sabi dito. "Aba walang galang to ah" sabi nito sabay sipa sa mukha ko. Woosh! "Ptuuu. Pakawalan mo na sila. Ako lang naman ata kailangan niyo. Kaya wag niyo silang idamay" sabi ko pagkatapos idura yung dugo na namuo labi ko at bigay sa kaniya ng matalim na tingin. "Teka natatakot ako hahaha!" Sagot naman nito habang nagkukunwaring natatakot sabay tawa pa. Aba minamaliit ata ako ng gagong to. "Alam mo ang gwapo mo palang lalaki ano. Kaya wag kang tumingin ng ganyan sakin. Nagiging cute ka lang" sabi nito sabay tawa ulit. Pag nakawala talaga ako di na to makakatawa. "Alam ko naman yun. Inlab ka nga sakin" sagot ko naman dito sabay ngisi sa kaniya na ikinamula niya dahil sa galit. "Aba pinagloloko mo ba ako?! Itaas niyo ang tali niya! Patayuin niyo!" Sigaw nito na sinunod ng mga kasamahan niya. Tapos ay pinagsusuntok at sipa ako. Dahil nga eh nakatayo na ako ngayon. Ugh! Peok! Huuuk! Ungh! Puekk! "Ansarap ba? Hahaha sabat pa kasi" sabi nito matapos akong pagsusuntukin at sipain. "Ug! Guh! Bwesit ka kamo" nauubo kong sagot tas pinagsisipa at suntok ulit niya ako. "Heh! Haha...hahahaha!" Tawang tawa nito habang pinagsisipa at suntok ako. "Boss tama na. Magagalit si 'King' nito satin" pigil naman nung isang kasama nung lalaki sa boss daw niya na tawang tawa pa habang sinisira tong gwapo kong mukha. "Manahimik ka nga! Wag kang makialam dito!" Sigaw nito sa kasama sabay tabig nung sinusubukan siya nitong pigilan. Peok! Hukk! Guh! Hup! Guh! Ayoko na.....tama na... Guh! Ug! Ungg! Puu! Huuuk! Pano.....yung mga bata... Uukk! Peeok! "K-kuya yung mga b-bata....ibalik m-mo na sila, p-please" pagmamakaawa ko na dito hindi ko na talaga kaya. Ansakit na. Kayo ba namang pagbubugbugin dito kung kaya niyo pa. "Hah! May galang ka pa pala? Yung mga bata? Makakauwi sila kapag napatay na kita!" Natatawang sigaw nito sabay sipa at suntok ulit sakin. Huuk! Guh! Na natigil nung biglang may pumasok sa pinto at biglang hinila yung lalaking bumubugbog sakin at tinapon sa mesa na nasa gilid ng kwartong to. Ang lakas nun masyado, wasak yung mesa. "K-king" "King" Sunod-sunod na sambit nung mga lalaki dito sabay yuko pa hanggang lupa. So ito pala yung sinasabi nilang 'king'? Siya pala yung taong sawsawero tas kapag pinansin mo, hindi kana sasagutin. "Heh....ha...hahahahah!" Tawa ko nalang bigla. Ewan ko ba parang nababaliw na ata ako. O dahil lang talaga sa sakit ng pisikal at emosyonal na nararamdaman ko ngayon. Nung madapo yung paningin ko sa lalaking tinatawag nilang 'king' nakita kong diretso lang itong nakatingin sakin habang lumalapit. "K-kamatayan ko n-na...guu!...ba..ug! ug!....to?" Tanong ko habang umuubo na may kasamang dugo. Sa tingin ko sira na talaga laman ko. "Kunin niyo yung pagkakatali.....KUNIN NIYO YUNG PAGKAKATALI!!!!" sabi nito na naulit sa sigaw nung walang gumalaw sa apat na lalake. Kaya ayun napagalaw agad sila at kinuha nga yung pagkakatali. Ewan ko pero nung makuha yung pagkakatali biglang lumantay yung katawan ko. Kaya ang kinalabasan nakayuko akong natumba. Buti na ngalang at itong si 'king' ay nasalo agad ako, kung hindi sa tingin ko wasak talaga itong katawan ko....sa sakit. "Y-yun mga...ug!....bata— ug! uk!" Nauubong bulong ko nalang na sambit sa sawsawero na 'king' pala na yun na sumalo sakin. Papapikit na yung mga mata ko nang nagsalita siya. "Oo, makakauwi sila. Okay lang sila. Magpahinga ka muna. Ako—" rinig ko sa sabi nito. Hindi ko na natapos dahil nilamon na ng dilim yung paningin ko To be continue~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD