Chapter 10

1986 Words

Wala akong mukhang maihaharap kay Marcus. Pero kakayanin kong kausapin sya. Alam ko naman na naiintindihan nya. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat. Ipapaliwanag kong hindi maaari ang lahat ng plano nya. Mananatili na lang kaming ganito at magpapakatatag na lang ako sa lahat ng bagyong darating sa akin. Basta nariyan sya sa aking tabi ay panatag na ako. Matiyaga akong naghintay sa aming lihim na tagpuan. Hinintay ko sya. Alam kong darating sya para makita ako. Alam kong gagawa sya ng paraan upang magkaroon kami ng oras sa isa't isa. Ngunit... Malapit na ang oras ng susunod kong klase ay wala pa rin si Marcus. Hindi pa rin sya nagpakita sa akin. Bakit kaya? Galit ba sya ? Nagtatampo ba sya dahil hindi ako sumipot sa usapan namin kagabi? Kinakabahan ako. Ayoko ng nagtatampo sya. Hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD