Patuloy lang ang ikot ng mundo para sa akin. Naniniwala kasi ako na matatapos din lahat ng paghihirap ko. Matatapos din lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako muling pinansin pa ni Marcus matapos nya akong ihatid at pakiligin nung isang araw. Itinuring na lang nya akong estranghero. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Mahal ko sya at patuloy lang ako sa pagbabantay sa kanya at umaasang babalik na ang dating sya. Nang makatuntong ako ng Grade 9... Ay usap usapan ang paglipad ni Melissa sa ibang bansa. Doon na sya mag-aaral. Usap usapan sa school ang hiwalayan nila ni Marcus. May mga nadismaya sa hiwalayan nila dahil para sa kanila ay perfect couple sila Marcus at Melissa. May iba naman ay ipinagbunyi ang hiwalayan dahil baka sakaling may pag-asa pa sila sa gwapong Varisity playe

