Chapter 1

2656 Words
Iniwan ako ni Nanay kay lola nung ako ay sampung taong gulang pa lang. Bumuo sya ng sarili nyang pamilya. Naging masaya sya sa piling ng iba habang ako ay iniwan nyang nag-iisa kay Lola. Ang aking ama ay namatay nung dalawang taong gulang pa lang ako. Ang aking pagkabata ay parang isang masamang panaginip. Hindi naging maganda dahil hindi naging isang ina sa akin si nanay! Sa eskwelahan ay lagi akong tampulan ng tukso.. Pero kahit kailan ay hindi ako lumaban sa kanila. Tinanggap ko lang ang lahat ng masasakit na salita, at ipinagdasal ang lahat ng mga nanakit sa akin. Alam ko balang araw ay titigilan din nila ang mga masasakit na salitang binibitawan nila sa akin. Si lola lang ang naging sandalan ko. Sya ang pinakamamahal ko dahil sya na lang ang meron ako. Matagal na syang kasambahay kila Senator Frederick Del Valle. Stay in sya doon at pinakiusapan lang ng aking lola ang pamilya Del Valle na kung pwede akong tumuloy sa kanilang bahay. Nagbigay ng magagandang papuri ang aking lola patungkol sa akin gaya ng maasahan daw ako sa bahay. Mabait akong bata at hindi magpapasaway kahit kailan. Para lang mapapayag ang mag-asawang Del Valle ay sinabi nya ito. Pero lahat naman ng sinabi ng lola ay totoo. Masasabi kong mabait talaga ako dahil kahit kailan ay hindi ako naging sakit ng ulo ng kahit sino. Lumaki akong mabait na bata dahil ayokong mag-alala sa akin si lola. Agad naman silang pumayag na manuluyan ako doon dahil malaki ang tiwala nila kay Lola. Unang tuntong ko pa lang sa mansyon ng mga Del Valle ay hindi na maganda ang aura ko sa lugar na iyon. Maganda, moderno at napakalaki ng kanilang mansyon.. ngunit pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na iyon. Isang maliit na bag lang ang dala ko noon dahil kaunti lang ang dala kong mga damit. Hindi din naman ako binibilhan ni nanay ng mga damit noon dahil mas abala syang bumili ng kanya. Lahat ng gamit ko ay bigay lang ng mga kapitbahay namin na naawa sa kalagayan ko. Para sa akin ay ayos lang iyon dahil hindi rin naman ako mahilig sa magaganda at bagong damit. Kahit simpleng bagay lang ay masaya na ako. Nakilala ko si Mrs. Corazon Del Valle. Kahit nasa edad kwarenta ay napakaganda pa rin nya! Sopistikada at napaka-elegante. Mabait si Mrs. Del Valle sa akin. Unang kita ko pa lamang sa kanya ay hindi ako nailang dahil sa malambing nyang pakikitungo. Minsan nga ay naiisip ko na sana ay ganun din kalambing sa akin si Nanay. Pero.. isang panaginip na lamang ito. Kahit kailan ay hindi magiging si Mrs. Del Valle ang nanay ko. May dalawa silang anak na kapwa mga babae. Si Margareth Del Valle, matanda lang sya sa akin ng dalawang taon. Pero ang anak nilang ito ang naging kontrabida sa buhay ko habang nasa mansyon ako. Mainit ang dugo nya sa akin. Galit na galit sya sa akin. Hindi ko alam ang kanyang dahilan. Si Caroline Del Valle naman ay kasing edad ko. Kabaligtaran sya ng kanyang ate dahil malambing sa akin si Carol. Mabait sya at kinaibigan nya ako. Sobrang minahal ko ang pagkatao nya. Sya ang naging bestfriend ko. Mana sya sa kanyang mommy na sobrang bait din. Nang makita ko sa unang pagkakataon si Senator Del Valle ay labis labis ang aking kaba. Kakaiba ang kanyang aura. Sa murang edad ay alam ko na ang chismis tungkol kay Senator. Sya ay babaero! Masyado pa akong bata noon para naintindihan ko ang lahat. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Senator ay isang .. maniac. Nakakadiri! Nakakakilabot. Onse anyos lang ako nang makilala ko si Senator. Ang kanyang mga titig sa akin ay hindi ko nagugustuhan! Pakiramdam ko ay hinuhubaran nya ang aking pagkatao. Ayokong mapalapit sa kanya. Natatakot ako! Pero nagulat na lamang ako ng hatakin nya ang mga kamay ko at hinawakan ito. Nakangiti lang sya sa akin. Pinisil nya ang mga palad ko habang nakatitig sa akin. Nagtayuan lahat ng aking balahibo. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang intensyon nya. O marahil ay hihintayin nya ang aking pagdadalaga?? Sya ay isang tunay na maniac! "Sir.. bakit po?" Kabado kong tanong sa kanya. Ngunit tanging mapang asar na mga ngiti lang ang kanyang itinugon sa akin. Anu yun? Ngiti lang? Hawak nya ang kamay ko. Ano ang gusto nyang ipahiwatig? Napakabata ko pa. Baka kung anu ang gawin nya sa akin! Ang daming gumugulo sa isip ko. Bakit ganyan ang pagkatao nya? Maganda at mabait si Mrs. Del Valle. Bakit kailangan pa nyang magloko. Isang umaga ay kinausap ni Senator ang aking lola. Matagal silang nag-usap sa kanyang opisina. Ano kaya ang sinasabi ni Senator sa aking lola? Kinakabahan ako. May mga nababalitaan kasi ako noon sa squatter na pinanggalingan ko na may mga mayayamang tao na bumibili ng bata. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila sa mga bata.. pero natatakot ako... Ganun kaya? Hindi naman siguro ako ibebenta ng aking lola. Mahal nya ako. Hindi nya ako pwedeng ipamigay. Para na akong mababaliw kakaisip. Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwal nito ang aking Lola at si Senator. Nakangiti lang si Lola sa akin. Habang si Senator ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. May kalahating ngiti sa akin si Senator. Natatakot ako sa mga ngiti nya.. Parang may iba.. "Apo.. magpasalamat ka kay Mr. Del Valle. Pag-aaralin ka nya sa magandang eskwelahan! Sagot na nya hanggang magkolehiyo ka!" Sabi sa akin ni Lola. Sa puntong iyon ay hindi ko alam ang aking magiging reaksyon.. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako? Masaya sana kung ibang tao ang sasagot ng pag-aaral ko. Pero bakit si Senator pa? Ngayon ay may malaki akong utang na loob sa kanya. Hindi ko alam ang magiging kapalit nito. Pero sabi naman ni lola ay tutulong ako sa lahat ng gawaing bahay bilang kapalit. Sana nga. Sana ay yun lang ang maging kapalit ng lahat ng ito. "Sa-salamat po Senator!" Sabi ko nang hindi sya tinitignan. Pero hinimas nya ang aking ulo! At napunta ang kanyang mga palad sa aking pisngi. Naiirita ako sa mga haplos nya! Nakakasuka. Pero pinilit kong labanan! Nagpakatatag ako dahil sya ang gagastos ng pag-aaral ko. Lulunikin ko na lang ang lahat masuklian lang ang kanyang gusto. Nang matapos ko ang aking gawain sa mansyon ay agad na akong nagtungo sa aming kwarto. Nakakapagod ang gawain ko ngayong araw. Pero nagulat ako nang harangin ako ni Margareth, nakaismid ang mukha nya sa akin! Nakakatakot ang pinapakita nya. "Don't ever think that my dad will give you everything! Katulong ka pa rin namin! Nakakainis nga si Daddy eh. Bakit nya ba pinayagan ang katulong na gaya mo na makapag-aral din sa magandang school namin! He is so unfair!" Galit na sabi nito Nanliliit ako sa mga sinasabi nya. Alam ko naman na wala akong karapatan mag-aral doon. Pero si Senator ang may gusto nito. Kahit saang school naman ay mapagtitiyagaan ko. Ngunit sya ang may kagustuhang mag-aral ako sa ekslusibong paaralan na yun! Nakayuko lang ako habang pinagsasalitaan nya ako ng masama. Hindi ko sya pinapatulan. Lagi lang ganito ang aking ginagawa sa tuwing may nagtatangkang awayin ako. Nananahimik na lang ako para wala ng gulo. Lagi akong api. Lagi akong talo! Ang unang araw ko sa SouthEast Asia International School ay talagang nakakabaliw! Grade 6 na ako nun at halos hindi ako makasabay sa lahat ng mga classmates ko. Magkaiba rin kami ng section ni Carol. Kung naging magkaklase lang sana kami ay kumportable pa sana ako sa eakwelahan na ito. Pero wala akong kaibigan. Walang gustong makipagkaibigan sakin dahil alam nila na isa lamang akong katulong kila Senator Del Valle. "Oh my god.. may kaklase tayong Maid! Nakakahiya!" Sabi ni Veronica isa sa aking mga kaklase. Lahat ay nagtawanan sa mga sinabi nya. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay hindi para sa akin ang mundong ito. Kung nung nasa public school nga lang ako ay lagi na rin akong api. Ngayon pa kaya na nasa exclusive school ako? Na halos lahat ng aking mga kaklase ay anak ng mga mayayamang tao. Talagang tampulan pa rin ako ng tukso. Sanay na ako. Sinabi ko na sa aking sarili na parte na ng pagkatao ko ang apihin ako. Wala rin namang mangyayari kung makikipag away pa ako. Pero hindi ko alam na aabot sa sukdulan ang mga pambubully nila sa akin. Inosente ako. Tanga! Kaya napasunod nila ako sa kanilang sinasabi. "Hey Monica Javier! Utos ni Ms. Fernandez pumunta ka daw sa dulong room. Pakikuha daw doon ang naiwan nyang libro." Sabi ni Veronica. Nakita kong nagtatawanan ang dalawa nyang kaibigang si Stephanie at Cassandra. Hindi ko na lamang pinansin ang kanilang pagtatawanan. Agad akong pumunta sa dulong room para kunin ang libro daw ni Ms. Fernandez. Kailangan kong kunin yun at baka mapagalitan pa ako kapag hindi ko ito sinunod. Pero.. ako ba talaga ang inutusan? Baka si Veronica naman talaga ang inutusan at pinasa nya lang sa akin. Hayy. Ang mga babae talagang iyon. Wala na silang ibang kayang utusan kundi ako! Nang makarating ako sa dulong room na sinasabi nila ay parang hindi naman ginagamit ang kwartong iyon. Pero pumasok pa rin ako. Walang ilaw. Hinanap ko ang switch. Kinapa ko ang pader. Ngunit laking gulat ko ng may nahawakan akong malagkit. Aww.. bagong pintura pala ang pader. Napuno ng pintura ang aking mga palad. Nakakainis dahil hindi ko alam kung paano ko ito tatanggalin. Nang makapa ko ang switch ay agad ko itong binuksan. Nang bumukas ang ilaw .. Tumambad lang sa akin ang mistulang bodega na kwartong iyon. Napabuntong hininga ako. Niloloko lang pala ako nila Veronica. Ang dali ko kasing maniwala. Ngayon ay napuno pa ng pintura ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung kaya itong tanggalin ng tubig. Bahala na. Nang aktong pupunta na sana ako sa C.r ay bigla ko na lamang naramdaman na lumuwag ang bra na suot ko. Kinabahan ako. Natanggal ang strap ng aking bra. s**t! Anong gagawin ko? Paano ko ikakabit ulit ang strap kung puno ng pintura ang kamay ko? Biniyayaan kasi ako ng malusog na dibdib kung kaya't kahit bata pa ako ay may umuusbong na dito. Kapag nagpatuloy ako sa paglalakad ay baka mahulog ang aking suot na bra at maiilang ako. Dalawang strap pa talaga ang natanggal sa pagkakahook?? Kung kaya may posibilidad na matanggal ito. Medyo malayo pa naman ang C.r sa lugar na ito kaya paano na lang? Sa pagkakataong ito ay bigla na lamang akong naiyak. Nakulong na ako sa sitwasyong ito na hindi ko alam ang aking gagawin. Natatakot ako. Alam kong sanay akong mapahiya. Pero ang mahulugan ng bra habang naglalakad ay hindi ko kakayanin. Ayoko na ding lumabas ng silid na iyon. Hindi ko alam na may nakarinig sa mga hikbi ko. "Miss.. are you ok?" Isang tinig ng lalaki ang umalingawngaw sa buong silid. Nagulat ako ng masilayan ko sya... ang ganda ng mga mata nya.. ang pula ng kanyang labi at bumagay sa kanya ang kulot nyang buhok.. napakagwapo nya! Tumigil ang mundo ko nang magtama ang aming mga mata. Sa murang edad ko ay alam ko na kung paano humanga. At ang lalaking ito ay talagang nagdudulot ng kilig sa akin. Alam ko nasa Junior High na sya. Kilala ko sya! Sya ang sikat na sikat na si Marcus Guererro. Nakilala ko sya dahil nung napadaan sya sa aming classroom ay hindi magkandamayaw ang mga kaklase kong babae habang sinisigaw nila ang pangalan nito Napakagat labi ako dahil nakakahiya ang una naming pagtatagpo. Puno ng pintura ang aking mga kamay. Puro luha ang mata kakaiyak. May mga takas ang aking buhok na tumatakip sa aking mga mata.. at tanggal pa ang mga strap ng aking bra. Napakamemorable naman ng aming unang pagkikita??? Nakita nya ang pintura sa aking mga kamay. "Oh you need my help?" Tanong nito. Hindi agad ako nakasagot. Pero nakita kong parang may hinanap sya sa buong paligid. Nilibot nya ang buong kwarto. At nang makita ang hinahanap nya ay.. "Oh here it is!" Sabi ni Marcus Hawak nya ang isang bote ng paint thinner at basahan. Hindi ko alam ang gagawin nya. Pero binasa nya ang basahan ng thinner. Kinuha nya ang aking kamay. Hawak ng campus crush na si Marcus ang aking mga kamay. Hindi ko mapigilan ang aking damdamin. Kinikilig ako sa paghawak nya sa aking mga kamay. Crush ko sya? Parang ang bagal bagal ng oras habang pinupunasan nya ang aking kamay na puno ng pintura. Napakabait nya sa akin. Kung tutuusin ay hindi naman nya ito kailangang gawin, pero ginagawa nya. Sa puntong ito.. alam ko na sa sarili ko na gusto ko sya. Gusto ko si Marcus Guererro. Masaya ako habang tinitignan ko ang kanyang mukha. Sobrang sarap sa pakiramdam na ang lapit lapit nya sa akin. Inangat nya ang kanyang ulo kung kaya't nakita nya na nakatitig ako sa kanya. Namula ang mga pisngi ko. Nakakahiya. Nahuli nya ako. Ngumiti sya sa akin. Ang amo ng kanyang mukha.. grabe.. napakaperpekto naman nya. "Ok na.. maghugas ka na lang sa C.r. atleast wala na ang pintura." Sabi nito na nakangiti pa rin sa akin. Yung itsura nya ay parang nagyayaya na sa labas. Pero ayokong sumama dahil nga sa problema ko sa aking bra. Mahuhulog na ito. Napansin nya ang kabado kong mukha. Lalo pa syang lumapit sa akin at inuusisa ako. Mas Kinakabahan ako lalo. "May problema pa ba?" Tanong nya. Nanginig ang buo kong katawan gusto kong umalis na lang sya.. yun lang naman. "Let's go!" Hinatak nya ang kamay ko at aktong palabas na kami ng silid ay pinigilan ko sya. Hindi ko pa rin magamit ang aking palad dahil sa amoy thinner pa rin ito. Nagkunot ang kanyang noo at nagtataka sa akin. "Tell me. What's the problem??" Pangungulit nito. Wala na akong kawala? Kailangan ko na bang sabihin ang nakakahiyang nangyari sa akin? Pero paano? Hindi ko yata kayang ipagtapat. "Please.. I'm waiting!" Sabi nito. Mas lalo akong nahiya sa sinabi nyang naghihintay sya sa sagot ko. Napapikit ako! Sasabihin ko na kahit nakakahiya! "Natanggal ang bra ko kaya hindi ako makalabas! Baka.. mahulog!" Pag-amin ko sa kanya. Nakapikit pa rin ako at hindi tinignan ang kanyang itsura. Napahiya na ako! Sa isang Marcus Guererro pa? Pero ng sinilip ko ang reaksyon nya ay nakangiti lang sya sa akin. Nginitian nya lang ang lahat ng sinabi ko. "Ok.. ikakabit ko?" Alok ni Marcus. Napaawang ang mga labi ko. Nahihibang na ba sya? Sya ang magkakabit ng natanggal na strap nh bra ko? Kapag ginawa nya yun ay makikita nya ang katawan ko! Nababaliw na sya! "Hindi wag na. Please!" Sabi ko.. nahihiya ako sa sitwasyon na ito. "Sige ikaw na magkabit. Mag aamoy thinner ang bra mo sige ka!" Pang aasar ni Marcus. Napanguso ako sa kanya! Wala na akong nagawa kundi sundin ang gusto nya. Para akong nahipnotismo at sumunod ako sa kanya. Dahan dahan syang pumunta sa aking likuran. Marahan nyang inangat ang aking blusa. Nakapikit lang ako dahil hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kilig na kilig ako sa kanya. Tapos ngayon ay sya pa ang nag-aayos ng aking bra? Anu ba ito? Nakakahiya. Ang halay halay ko naman. Para akong kinikiliti sa tuwing tatama ang kanyang daliri sa aking likuran.. Alam ko kalahati na ng aking blusa ang nakaangat. Hinahagilap ang natanggal na strap.. Nang biglang.. "What are you doing????? Both of you, go to the Guidance office now!!!!" Sigaw ng isang guro. Patay! Paano namin ipaliwanag ang lahat ng ito??? Mali ang iniisip nila! Tiyak na malaking eskandalo ang kahihinatnan namin. Onse anyos pa lang ako ay nasadlak na ako sa ganitong eskandalo. Ano na lang ang sasabihin ng lola ko sa insidenteng ito?? Marcus Guererro! Bakit ba ang pangit ng una nating pagkikita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD