Wala akong mukhang maiharap kay Lola nang isama ko sya sa Guidance Office, kinabukasan pagkatapos kaming mahuli ni Marcus sa isang eskandalo. Pinatawag kasi ang mga guardians namin ni Marcus. Ayokong banggitin ang dahilan kay lola. Nahihiya ako. Ano na lang ang iisipin ng aking lola? Baka hindi nya paniwalaan ang lahat ng paliwanag ko.
Hindi rin naniwala sa amin ang aming Guidance Councelor na aksidente lang ang lahat. Pinanindigan pa rin nya ang malaswa nyang isip na may gagawin kaming kababalaghan ni Marcus sa kwartong iyon. Hindi ko alam kung anu ang mga sasabihin nya sa aming mga Guardians. Nakakatakot.
Nakakahiya.
Nakaupo na kami sa loob ng office. Nasa tabi ko si Lola. Nasa aming harapan naman sila Marcus at ang Mommy niyang si Mildred Guererro.
Nahihiya ako kay Marcus at sa Mommy nya. Sobrang sungit pa naman ng itsura ng kanyang Mommy. Parang mangangain ng buhay!
May ilang sulyap sa akin si Marcus. Nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. At maya maya ay kumindat sya sa akin.
Biglang nag-init ang aking mga pisngi. Napalunok ako at iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Nagawa pa nyang mang-asar sa gitna ng mainit naming sitwasyon? Kakaiba talaga itong crush ko.
Pero... kinilig talaga ko sa ginawa nyang pagkindat sa akin. Ano ba ang ibig sabihin nun? Nakakainis sya. Lagi na lamang nya akong pinapakilig.
"Thank you for coming, Mrs. Guererro and Mrs. Javier. So.. kaya ko kayo pinatawag dito ay para malaman nyo ang kalokohang ginawa ng inyong mga anak sa loob ng aming paaralan." Sabi ni Ms. De leon
Napalunok ako dahil parang ayaw kong marinig ang susunod na sasabihin nya. Pakiramdam ko ay unti unting namumuo ang mga pawis sa aking noo.
"We can not tolerate this kind of behaviour, we will give them a disciplinary action!" Dagdag pa ng aming Guidance Councelor
Napatingin sa akin si Lola. Hindi nya maintindihan kung ano ba ang kalokohang ginawa ko. Hindi ko na maisip ang magiging reaksyon ng lola ko, baka himatayin sya kapag nalaman nya.
"Are you aware that they were caught inside the room doing indecent acts. Hinuhubaran na ni Marcus Guererro si Monica nang mahuli ni Mr. Cruz. Kung hindi sila nahuli ay malamang may ginawa na silang milagro sa loob ng kwarto!" Sabi ni Mrs. De leon ang aming Guidance Councelor.
Nanginginig ang buo kong katawan dahil maling mali ang iniisip nila. Bakit ba ayaw nilang maniwala sa amin ni Marcus?
"Ma'am hindi po yan ang nangyari. Bakit po ayaw nyong maniwala?" Umiiyak na sabi ko sa mataray naming Guidance Councelor.
Napansin kong nabigla si Lola. Parang hindi sya makahinga sa mga nalaman nya. Agad kong pinaypayan si Lola gamit ang panyong dala nya.. "Bakit mo ginawa iyon apo.. ano ka ba?" Bulong ni Lola na halatang hirap na sa paghinga. Natataranta na ako sa pagpaypay sa aking lola.
Nagpautos ng tubig si Ms. De leon para kay lola.
"Alam ko namang itatanggi nyo ang lahat dahil nahihiya kayo sa mga ginawa nyo! Alam na alam ko ang mga kabataan ngayon!" Dagdag pa ni Ms. De leon.
Nakita kong umarko ang mga kilay ni Mrs. Guererro, mukhang hindi nya nagugustuhan ang pagkasabwat ng kanyang anak sa kahihiyan na ito.
"So.. ano pa ang sasabihin nyo sa amin? Yun lang ba?" Sabi ni Mrs. Guererro.
Napabuntong hininga ang aming Guidance Councelor. May kinuha syang mga papel at pinabasa nya sa amin.
"Kailangan nilang gumawa ng community service para sa school. Kailangan ay mapuno ang 100 hours bilang disciplinary action. Pwede nila gawin after class. Atlest 2hours per day para makabuo ng 100 hours." Paliwanag pa nito.
Napahalukipkip ang Madam Guererro.
"Ok. So is there anything else you want to say?" Mataray pa ring sabi ni Mrs. Guererro.
Napalunok muli si Ms. De leon sa inaasal ni Mrs. Guererro. Tila ba nagmamadali kasi sya at gusto nang matapos ang pag-uusap tungkol sa eskandalong ito.
"They should be taught decent manner and responsibility towards society. And all of these things must be learn from home.. first? Is that clear?" Mataray na ring sabi ni Ms. De leon.
Nakaismid na din ang mukha ni Mrs. Guererro.
"Are you accusing us, that we are not providing our child the good conduct at home?" Tumataas na boses ni Mrs. Guererro
Ngumiti lang ang aming Guidance Councelor at pinakalma ang kanyang sarili.
"Its not an accussation. It's just a reminder!" Matapang na sabi ni Ms. De leon
Lalo pang umarko ang kilay ni Madam Guererro..
"Ok. Well.. Thank you." Sabi nito sabay talikod na sa amin.
Hinatak na nya ang kanyang anak na si Marcus palabas ng opisina. Habang ang reaksyon ni Marcus ay "chill" lang. Parang wala lang sa kanya ang lahat ng kahihiyan na sinapit namin.
Nakatingin lang sa akin si Marcus at kinawayan pa nya ako bago sya tuluyang lumabas ng pinto. Hay Marcus.. bakit mo ba ako dinala sa sitwasyon na ito.
Samantalang nakatanggap ako ng matinding sermon kay lola. Tinanggap ko na lang ang lahat ng pangaral nya.
"Huwag kang padalos dalos. Abutin mo ang mga pangarap mo. Huwag mo muna isipin ang ganyang mga bagay." Payo ni lola.
Sa lahat ng sermon nya ay hindi ako kumikibo. Sinasalo ko lang lahat ng galit ni lola. Ito ang unang pagkakataon na nasangkot ako sa gulo. Mabait akong bata kaya sobrang nagulat ang aking lola sa eskandalong ito. Naiintindihan ko sya. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay tanggapin lahat ng kanyang panenermon.
Kaya ngayon, bilang parusa ay kailangan naming gumawa ng community service. Ang naisip ko na lang ay tumulong sa aming librarian na si Mrs. Jocson. Magiging assistant nya ako after ng klase ko. Alas tres ang labas ko kung kayat kailangan kong tulungan si Mrs. Jocson hanggang alas-sinco ng hapon.
Ngunit pagdating ko ng library ay namataan ko ang kumpulan ng mga estudyanteng babae sa lamesa ni Mrs. Jocson. Bakit ang dami yatang gustong magbasa ng libro ngayon? Anong meron?
Paglapit ko sa mesa ni Mrs. Jocson ay laking gulat ko nang makita si Marcus Guererro doon at sya ang nag-aayos ng mga library cards ng mga estudyante. Naku? Dito din sya magcocommunity service?
Aba! Kaya pala biglang dumami ang gustong magbasa ng libro dahil nandito ang campus crush. Hmp! Nakakainis ang mga babae na ito. Ewan ko kung ano ba tong nararamdaman ko ngayon. Ang bigat ng puso ko. Naiinis ako kapag may lumalapit kay Marcus. Gusto ko kasi ay sakin lang si Crush!
Nagulat ang lahat, nang tumabi ako kay Marcus. Ang iba ay nakaismid sa akin nang ako ang nag-assist sa kanila. Gusto kasi nila ay si Marcus mismo ang mag-ayos ng kanilang library card. Pero sorry sila dahil dalawa kami ni Marcus na may hawak ng trabaho na ito. Madali naming natapos ang lahat dahil dalawa kaming kumikilos.
Habang inaayos ko ang ibang libro sa estante ay napansin ko na panay ang sulyap sa akin ni Crush. Nakakaloko sya dahil sa tuwing magtatama ang aming mga mata ay ililihis nya ang tingin sa akin at kunwari ay nagbabasa sya ng libro.
Napakagat ako sa aking labi. Biglang na lamang nag-init ang mga pisngi ko. Pinapanood nya ba ako? Pero bakit? Bakit naman nya ako tinitignan?
Hindi ko na muna pinansin ang bagay na iyon. Tumalikod ako sa kanya at nangiti sa aking sarili. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Pero..
"Hey! Ayos na ba ang mga bra mo?" Seryoso nyang tanong.
Napaawang ang aking labi. Anu yun? San galing ang tanong nya? Lalapit sya sa akin para itanong kung ayos na ang bra ko? Hindi sya makamove on.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi nya. Napahawak sya sa kanyang noo. Nahiya yata sya sa kanyang tinanong.
"I.. I mean baka matanggal na naman yan. Ikaw kasi eh. Bakit ka ba nagbabra? Grade 6 ka pa lang di ba? Ganun ba yan kalaki??" Prankang tanong nito. Lumabas na naman yung mga ngiti nyang nakakaasar pero nagugustuhan ko.
Lalong namula ang aking mukha. Wala na ba syang ibang tatanungin kundi tungkol sa aking bra? Ayoko na ngang balikan ang pangyayaring iyon dahil hiyang hiya na ako.
Nagmamadali akong umalis sa harapan nya at lumipat ako ng ibang estante. Ayoko na syang kausap. Nahihiya na ako. Pakiramdam ko ay hinding hindi ako makakalimutan ni Marcus dahil sa insidenteng oplan kabit-bra. Ah! Ang pangit! Ang pangit naman ng imahe ko sa kanya. Nakakainis.
Pero sinusundan nya ako. Ano ba? Ang kulit kulit nya...
"Hey.. Monica I'm sorry. Did I offend you? I'm sorry." Sabi nito.
Tinignan ko lang sya at pagkatapos nun ay pilit ko pa rin syang iniwasan.
Pero hindi nya ako tinantanan. Kinabig nya ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ay biglang tumigil ang oras ng sandaling iyon. Hawak ni Marcus Guererro ang aking kamay. Kinikilig ang buo kong pagkatao.. Pinagmasdan ko pa ang mga kamay naming magkahawak.. hindi ako nananaginip. Hawak nya ang kamay ko.. pero bakit? Nakakakilig naman talaga!!
"I'm sorry... ahh I will treat you.. ililibre kita ng Chocolate frappe. Di ba gusto ng mga bata ang chocolates?" Nakangiting sabi nito.
Napanguso ako sa kanya. Isang bata lang ang tingin nya sa akin? Nakakainis naman. Mukha naman na akong dalaga ah. Pero bata lang ang tingin nya sa akin?
Pero nangiti na lang ako dahil hawak pa din nya ang kamay ko. Parang ayaw na nyang bitawan.
"Oh. I'm sorry." Sabi nya sabay bitaw sa mga kamay ko.
Nakita ko ang pamumula na naman ng kanyang mukha. Bakit ba sya namumula? Pareho kaya kami ng nararamdaman? Ayy.. masyado naman yata akong ambisyosa. Pero nagugustuhan ko ang eksenang ito. Ililibre daw nya ako. Date na ba ang tawag dun? Nakakatuwa naman. Kinikilig pa din talaga ako sa kanya.
Alas sinco na ng hapon..
Naunang umalis ng library si Marcus. Pinagmasdan ko sya habang lumalabas ng pinto. Walang lingon lingon. Walang paalam.
Kumirot ang puso ko. Akala ko ba ililibre nya ako ng Chocolate Frappe? Baka nakalimutan na nya. Ang bilis naman nyang nakalimot.
Napabuntong hininga ako. Tinapos ko na lang ang gawain ko at nagpaalam na ako kay Mrs. Jocson. Laglag balikat akong lumabas ng library. Masyado lang siguro akong naging maligaya. Dapat hindi ako masyadong umaasa. Para hindi masakit. Hay!
Nag-aabang na ako ng jeep na masasakyan habang patingin tingin ako sa aking relos. Rush hour na. Kaya sobrang hirap sumakay! Hindi ko kayang makipagsiksikan sa mga tao. Mahina ako. Nakikita ko sila na nag-uunahang makaakyat sa jeep. Wala na yata akong pag-asang makauwe!
Maya maya lang ay nakarinig ako ng malakas na busina.
Tumabi ako sa gilid dahil bumubusina sa akin ang isang napakagarang sasakyan. Sobrang yaman siguro ng may-ari nito.
Laking gulat ko nang unti unting bumaba ang bintana ng kotse. Iniluwal nito ang gwapong si Marcus.
"Hey! Bigla kang nawala? Buti na lang at nakita pa kita dito. Sabi ko sayo diba ililibre kita ng Chocolate frappe? Halika na sakay ka na!" Pagyaya ni Marcus.
Napaawang ang aking mga labi dahil niyaya ako ng isang Marcus Guererro na sumakay sa kanyang kotse?? Nakakahiya. First time kong sumakay sa isang magarang kotse.
Pero nakita ko na lamang ang aking sarili na sakay na ng kanyang kotse. Sa likod din ako naupo. Sa tabi ni Marcus. Para akong naestatwa sa kanyang tabi. Gosh.. katabi ko si crush.
Hindi ako makagalaw. Alam ko nakatingin sya sa akin. Yung ngiti ko parang pilit na lang. Parang ngiting aso.
"Anong klaseng mukha iyan. Para kang kabadong ewan!" Natatawang sabi ni Marcus.
Napangiwi ako. Ang pangit ba talaga ng itsura ko. Hiyang hiya na ko sa kanya ah. Lagi na lang akong sablay. Naku. Nakakainis na talaga.
Nakarating na kami sa isang sikat na donuts
and coffee. Naaliw ako sa lugar na iyon. Hindi naman kasi ako nakakapasok sa ganung lugar.
Umorder sya ng frappe daw ang tawag dun. Para sa akin parang shake lang yun na may magandang desenyo. Pinaganda pa ang tawag. Umorder pa sya ng 6pieces assorted donuts. Aba! Sabi nya frappe lang, may pa donut pa sya talaga.
Ah. Sobrang sarap naman ng inumin na to. Humigop na kasi ako ng frappe. Kakaiba sa panlasa ko.
"Ano nagustuhan mo? Ang sarap di ba? Gawin natin to madalas ha?" Sabi ni Marcus.
Ayan na naman ang bibig nya. Wala na naman preno sa pagsasalita. Ano ba Marcus. Tigilan mo na ang pagpapakilig sa akin.
"I.. mean after ng community service natin, punta tayo sa ibat ibang lugar bago umuwe?" Biglang nagbago ang tono nya.
Napakagat labi ako. Bakit ba ganito sa akin si Marcus? Pakiramdam ko ay sobrang espesyal ako sa buhay nya. Pero sabi ko nga ayokong umasa. Masakit ang umasa sa wala.
Ang bata bata ko pa ay kung anu ano na ang naiisip ko. Sana hindi matapos ang 100 hours community service namin.
Sa loob ng 100 hours ay magkakaroon ako ng pagkakataong makasama si Crush. Isandaang oras ng pagkakataong mapalapit sa kanya. Hayyy.. Marcus. Mahal na yata kita! Ayee! Kilig!.
Pasalamat na lang pala sa aking magic bra, dahil dito napalapit ako kay Marcus ng sobra.