Oriana Fatima’s POV Natutuwa ako na maayos ang pag-aaral ko sa university. Bago man ang lahat sa paligid ko, nakakasabay naman ako sa agos at mga nangyayari. Naramdaman ko ang kalayaan simula nang mag-aral ako rito at magkaroon ng mga bagong kaibigan. Pakiramdam ko, normal lang ang lahat sa paligid ko at walang nag-aabang na mga tao. Para akong isang ibon na matagal na nakakulong at nagtatago sa mga gusto akong tiradurin. Dahil kay Damien kaya nararanasan ko ang pakiramdam na ‘to. Sobrang luwag sa dibdib at ang gaan. “May bagong tusok-tusok sa labas ng gate. Kain tayo!” sambit ni Nadine habang sabay-sabay kaming naglalakad. Magkakaiba man kami ng course pero kami pa rin ang madalas na magkakasama. Mabuti na lang nagkakatagpo ang mga schedule namin kaya hindi kami nahihirapan. “Oh!

