Damien Craig’s POV Hindi ko tinigilan bantayan si Oriana simula nang makatapak kami sa Tarlac. Ayokong maulit ang nangyari kanina sa labas ng sasakyan. Baka makabaon ako ng buhay na tao kapag may nangyari na naman na hindi maganda sa babae ko. I am so paranoid. I can't leave Oriana even she's sleeping in our bed. Natatakot akong malingat at bigla na lang may mangyaring hindi maganda sa kanya. Hindi ko kayang makapante na lang bigla matapos ng nangyari. “Boss, anong gagawin namin sa mabantot na ‘yon?” tanong ng tauhan ko na na nakatayo sa gilid ng kama namin. Hindi ko siya nilingon. Ibinigay ko ang buong tingin ko kay Oriana. Hinawakan ko ang kamay niya at idinikit ko sa pisngi ko kahit alam kong wala siyang malay ngayon. Gusto ko lang maramdaman ang bawat haplos niya na gustong-gusto

