Oriana Fatima’s POV Padungaw-dungaw ako sa labas ng sasakyan habang palihim na hinahaplos ang puson ko na kanina pa umaariba sa sakit. Ngayon araw ang punta namin sa Tarlac at kasama pa rin namin ang mga tauhan ni Damien. Ayaw man namin tapusin ang bakasyon naming dalawa pero hindi pwede dahil may trabaho pa siya at kailangan ko na rin pumasok sa eskwelahan. Napapisil ako sa aking tiyan. Pakiramdam ko magkakaroon na ako ng dalaw ngayon dahil nagpaparamdaman na ang puson ko na sobrang sakit. Matagal pa kaya kami? Gustong-gusto ko na magbanyo. Parang namamawis na rin ako ng malamig. “Are you okay?” malambing na tanong niya sa akin. "May nararamdaman ka ba?" Napalingon ako kay Damien na mukhang napapansin ang pagiging balisa ko sa kanyang tabi. Hinaplos niya ang hita ko. Normal lang na

