Oriana Fatima’s POV “Happy birthday, sweetheart.” Masayang tinanggap ko ang bulaklak mula kay Damien. Ang bilis lumipas ng panahon pero masaya ko na bawat araw na kasama ko siya ay nakakabuo kami ng masasaya rin na ala-ala naming dalawa na palagi kong babaunin kahit saan man ako makarating. Masaya ako na siya ang kasama ko at masayang-masaya ang birthday ko sa piling niya. Noon, parang natural na araw lang ang birthday ko pero ngayon napaka-espesyal. Pina-espesyal ni Damien. “Thank you, Damien. Always…” Tumayo ako sa silya ko at hinalikan ang labi niya sa harapan ng mga kaibigan ko. I am twenty now habang siya kaka-twenty-two lang din noong nakaraan. Masaya ako na bawat hakbang ko sa bagong kabanata, siya ang kasama ko. “Sweet!” sigaw ni Ayisha. Natatawang inilayo ko ang labi sa

