Oriana Fatima’s POV Ingay ng pagkalagsag ng tubig ang nagpagising sa akin. Ang batis sa labas ng sasakyan namin na gumising sa magandang araw ko. Bukas ang bintana ng van. Maliwanag na rin sa labas at maliwanag na maliwanag pa dahil sa araw. Tinapunan ko ng tingin ang tabi ko pero wala na si Damien. Hinawakan ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at dahan-dahan na tumayo. Wala akong kahit na anong suot sa ilalim ng kumot. Hindi na nakakagulat ‘yon at baka nga mas magulat pa ako kung magiging ako na may damit at walang nangyari. Araw-araw naman talagang ganito. Kapag nagising ako na may suot pa rin, isang himala ‘yon kay Damien. Mas gusto niyang wala akong suot. Ang lalaking ‘yon! “Good morning, sweetheart.” Tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko nang makita si Damien sa pinto ng v

