Oriana Fatima’s POV “Isama mo na ako, Oriana…” Malalim na kumawala ang butong hininga ko. Parang bata si Damien na nakayakap sa akin mula sa gilid. Gusto niyang makita sa kauna-unahang beses na aayusan ang buhok ko sa salon kaya ito siya ngayon at nangungulit nang nangungulit sa akin. Ilang ulit ko na rin siyang tinatanggihan dahil ayoko siyang isama. Pero talagang kaya niyang gawin lahat ng paglalambing para lang masama. “Magkikita naman tayo mamaya, Damien. Magpapasundo agad ako sa’yo,” sambit ko. “Tatawagan din kita kung gusto mo. Dadalhin ko ‘yong isang telepono. Tsaka safe naman ako dahil mga kaibigan ko lang din ang mga kasama ko. Kung magkaproblema man, huwag kang mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko at tatawagan agad kita kung may mangyari man.” Gusto ko man siyang isama sa

