Chapter 1 (Their Friendship)
Lordy POV
Umagang kay bugnot ko, paano ba naman kasi kung ganto kaharot ang bubungad sayo sa umaga.
"Roses are red
Violets are blue
Teka baliw na ata ako sayo ackkk" banat mula sa kabitbahay naming gurilya. Literal na baliw nga at sino ba namang hindi mababadtrip kung keganda-ganda ng gising mo 'tas babanatan ka ng makabobong banat na 'yon eh alam niya namang bobo ako eh tas kelangan pa talaga ipamukha sakin nahuhurt naman ako, mga wamport nga lang HAHAHA. Kung sa iba pa siguro 'to ay nako baka kinilig na sila pero tsk wag ako teh HAHAHA kelangan maiba para kunyare endangered species ng mga magaganda aba-aba ang umangal PANGIT at oo kinapslock ko na para dama niyo ang bagsik ng aking kagandahan, oh diba walang konek ganyan talaga 'pag maganda HAHAHA
"Hi bebe luvs good morning" bati niya sakin ng makita niyang gising na gising na ang aking magandang peys.
"Oi wala ba 'kong good morning too diyan bebe luvs? Aww nakakahurt naman */pout" kunyare nagtatampo niyang sabi ng makita niyang di ako sumagot 'tas nag pout pa ang demonyo, akala mo naman kina-gwapo niya 'yon eh mas pinapangit niya lang ang sarili niya.
Oii wag kayong ano honest lang ako baka kasi mabawasan points ko sa heaven, nako mahirap na baka maging second hand nako ni satanas nito, ang banal-banal pa naman ng pangalan ko, kaya kelangan maging mabait na bata ako kahit konte para man lang may kabaitan akong maiambag sa earth HAHAHA.
"Woi aga-aga ang harot mong yawa ka" sabay bato ng lampshade ko na kinuha ko sa gilid ng kama ko 'tas ayon sapol sa mukha ng demonyo pa'no ba naman kasi nakadungaw siya sa bintana ko sa pamamagitan ng pag-akyat niya sa puno malapit sa tapat ng veranda ko at nakalimutan ko pala i-lock 'yong bintana ko kagabi. Magkatapat lang rin 'yong kwarto namin kaso nga lang may pader na nakaharang at saka magkapitbahay kami remember.
Oh diba nagmura ako kaya bawas points na naman ako sa heaven nito pero di bale pasado na naman siguro ako maging second hand ni satanas noh ay bad self HAHAHA.
"Aray naman bebe luvs apaka harsh mo talaga kahit kelan hmp pasalamat ka mahal kita ehe" daing at hirit na naman niya pagkatapos ko siyang batuhin na mas nakapagdagdag ng inis ko.
"Oh tologo salamat ah" sarcastic na sagot ko sa kanya kaya ayon, pangiti-ngiti na naman ang demonyo dahil nainis na naman niya ako.
Kahit kelan talaga 'tong demonyong 'to apaka hilig mang-inis sakin kaya minsan napapa-isip ako totoo kaya na may gusto na ito sakin o parte lang 'yon ng pang-iinis niya sakin.
"Sho umalis kana nga nakakasira ka ng umaga yawa ka" pagtataboy ko rito at diko na naman maiwasan na murahin siya kasi inis na inis nako.
"Pano kung ayaw ko HAHAHAHA" sagot nito at sinamahan pa ng halakhak sa huli.
"Ah ayaw mo talagang umuwi?" tanong ko rito na tila naghahamon
"Oo ayaw ko capital A-Y-A-W K-O! HAHAHA" sagot nito sakin habang humahalakhak pa rin.
Aba-aba hinamon ako, maasar nga ng makabawi man lang ako sa pang-aasar niya sakin ngayon.
"Sure ka na niyan NARDO" sagot ko rin sakanya at binigyang diin ko pa ang palayaw ko sakanya na ayaw na ayaw niyang itawag ko sakanya kasi para raw siyang makalumang tao pagganon HAHAHA.
Nakita ko naman na napatigil ito sa pagtawa kaya ako na naman ang tumatawa kasi nakabawi ako sa pang-iinis niya sakin ngayong umaga HAHAHA.
"Tangina mo sabi ng wag Nardo ang itawag mo sakin eh yawa ka" reklamo nito na may kasamang malutong na mura HAHAHA.
"Keganda-ganda ng pangalan ko 'tas tatawagin mo lang akong Nardo, aba-aba mali 'yon gago" dagdag reklamo na naman nito na mas nagpahagalpak sakin ng tawa HAHAHA.
Teka maasar pa nga ulit HAHAHA
"Nardo? Nardo Nardo Nardo?" kunyare inosente pero mahihimigan mo ang pang-aasar ko ulit dito na mas lalong ikinasama ng timpla ng kanyang mukha kaya mas lalong lumakas ang tawa ko HAHAHA.
"Punyeta ka talaga gago ulol pakeo sagad, tigas ng apdo mo sabi ng Leo itawag mo sakin 'tas Nardo ka Nardo ang pangit kaya pakinggan non" mahabang salaysay niya at grabe nakaka-inpire talaga maging second hand ni satanas 'tong mga malulutong na mura niya sakin HAHAHA.
"Wehbaaa dika sure HAHAHA" natatawang pang-aasar ko ulit dito at halata sa mukha niya ang sobrang inis HAHAHA.
"Tsk pasalamat ka banal 'yang pangalan mo kaya di kita maasar gamit yan" inis na sagot nito sakin.
"Oo na po manong Nardo ay este Leonardo PFFTHAHAHA" tawang-tawang sagot ko sakanya.
"Tangina mo oki na sana eh kaso nilagyan mo pa sa unahan ng manong Nardo, gago mukha ba 'kong matanda huh Lordy?" inis na turan nito sakin at tila patanong na ang kanyang huling sinabi na mas napahalakhak sakin ng malakas HAHAHA.
Magsasalita pa sana siya ulit ng may narinig kaming mga sigawan kaya napatahimik siya habang ako'y tawa pa rin ng tawa.
Ng marinig ko kung sino ang nagsisigawan at kung ano ang kanilang sinisigaw ay napatigil ako sa pagtawa.
"Halah mama si ate nabubuang na naman" rinig kung sigaw ng paepal kung kapatid
"Huh paano mo nasabing nabuang ate mo" pasigaw rin na sagot ni mama na akala mo kung ilang bundok ang agwat nilang dalawa kung makapagsigawan eh.
"Eh kasi mama tumatawa kasi siya 'tas ang lakas-lakas pa akala mo parang nasapian ng demonyo" naknampucha, huh ako nasapian tsk ito talagang paepal na 'to lagot 'to sakin mamaya kung ano-ano na lang ang sinasabi kay mama.
"Ay jusmeyo por santo wag ka nga magsalita ng ganyan baka tuluyang mademonyo talaga 'yon kaya hayaan muna 'yong ate mo" mader ert naman wag ka ganyan, apakabait ko kaya para maging demonyo kahit tignan mo pa points ko sa heaven.
Ng mawala na ang kanilang sigawan ay napatingin ako kay Nardo ng bigla itong tumawa.
"HAHAHAHA naknampucha nasapian raw ng demonyo HAHAHA" tumatawang sabi ni Nardo sakin, hmp bahala siya diyan tatawagin ko talaga siyang Nardo kapag palagi siyang nang-aasar.
"Oh tawang-tawang ka Nardo ah, happy pill mo nako niyan?" sarcastic na tanong ko sakanya.
"Ito naman ke-aga-aga highblood na naman, makaalis na nga HAHAHA btw red tide mo ba ngayon pffthahaha" nang-aasar ulit ang demonyong 'to ah, matanong nga kung baka gusto nito magka-trial card sa imperno.
"Tumahimik at umalis ka na nga Nardo o baka gusto mo magka-trial card sa imperno */evil smirk" malademonyong tanong ko sakanya kaya ayon nahulog sa sobrang taranta na baka mabigyan ko ng trial card sa imperno HAHAHAHA.
"Aray ko po ang sakit ng pwet ko" daing niya matapos siya mahulog sa punong kanyang inakyatan para asarin ako.
"Tulungan mo naman ako bebe luvs huhuhu look oh I'm hurt" pekeng iyak niya na sabi at tila ba nagpapaawa sakin ngunit tinawanan ko lang siya.
"Gago para kang bakla diyan HAHAHA 'tsaka dsurb mo yan ulol" natatawang sagot ko rin sa kanya kaya padabog siyang bumalik sakanilang bahay habang ako'y tawang-tawa pa rin HAHAHA.
"Hayts baliw talaga 'yon" bulong ko habang umiiling dahil sa katarantadohan niya.