Lordy POV
Nandito ako ngayon sa school ground ng UC (University of Cebu) nagmumuni-muni kasi maaga pa naman para pumasok sa klase.
Oh kala niyo di na kami nag-aaral noh, well you're all wrong kasi nag-aaral pa kami. Ewan ko nalang kung matino HAHAHA.
I'm currently a third year highschool student in UC, 'tsaka magkaklase rin kami ni Nardo este Leonardo.
And let me tell you kung paano ko naging kaibigan 'yon, tutal mahaba-haba pa naman ang oras. It's still 6:45 at 8:30 pa iyong oras ng klase namin.
(FLASHBACKS)
Naglalaro ako sa bakuran namin ng may nakita akong ligaw na aso at dahil sa kuryosidad ko, ay akin itong nilapitan. Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang pumasok sa isip ko ng akin itong pinalo ng dala kong manika na laruan. Akala ko kasi stuff toy lang na naiwan, paano ba naman kasi ang taba niya kaya fluffy tignan. Ang hindi ko alam bulldog pala 'yong napalo ko kaya nagtatakbo ako. Sa pagtakbo ko, hindi ko alam nakalabas na pala ako sa bakuran at bahay namin. Kasi paano ba naman, hinahabol pa rin ako ng bulldog na pinalo ko. Kala ko naman kasi stuff toy eh huhuhuhu.
Sa pagtakbo ko may nakabanggaan akong dalawang batang lalaki kaya ayon natumba kaming tatlo at nadaganan ko silang dalawa.
"Hoy bata bakit ka ba takbo ng takbo!?" pasigaw na sabi nong batang lalaki na may katabaan at pula ang buhok kaya nagmumukha siyang manok na napabayaan sa kusina HAHAHA.
"Bakit ka rin hindi tumitingin sa dinaraanan mo!?" pasigaw rin na sabi nong isang batang lalaki na may brunet na buhok, siya 'yong isang kasama ng batang matabang red hair.
"At sinong tanga ang haharang-harang sa dinaraanan ko, eh kita niyo namang tumatakbo 'yong tao!" pasigaw ko rin na sagot sa kanila with matching taas kilay pa yan ah.
Eh paano ba naman kasi, kita nilang may taong tumatakbo haharang-harang sila sa daanan ng maganda with matching flip hair pa yan dzuhh.
Nakita ko namang natahimik silang dalawa. Actually pareho silang may katabaan ang pinagkaiba lang is 'yong kulay ng buhok nila. Oh diba may oras pa akong makapanglait samantalang hinahabol ako kani-kanina lang ng bulldog.
"Arf arf arf" ang speaking of the bulldog, ito na papunta na sa direksyon namin. Kaya hinila ko na 'yong dalawa baka kasi sila pa 'yong makagat nong bulldog na 'yon eh. Edi parang kasalanan ko na rin kapag nangyari 'yon.
"Hoy bata wag ka ngang manghila nalalaglag 'yong pantalon ko, ano ba!"
"Hoy teka 'yong sokolet ko naiwan"
Kanya-kanya nilang reklamo. Ewan ko kung matatawa ba ako o maaawa kasi nadamay sila sa katarantadohan ko HAHAHA.
Ng mawala na sa paningin namin 'yong bulldog siguro naligaw na 'yon o bumalik na sa amo nya, ay agad na akong tumigil sa kakahila sa dalawang batang lalaki. Hingal na hingal kaming tatlo. Paano ba naman kasi, ang bilis tumatakbo nong bulldog samantalang ang taba-taba non.
"Bakit ka ba hinahabol ng asong 'yon bata?" tanong sakin nong batang mataba na red hair.
"Oo nga 'bat ka nga ba hinabol non" tanong rin ng batang brunet ang buhok.
"Umiral siguro ang kademonyohan ng aking kamay, gumalaw!" pamimilosopo kung sagot sakanila pero may katotohanan naman 'yon HAHAHA.
Nakita ko namang napatawa sila kaya nakitawa na rin ako sa kalokohan ko. Hanggang sa nagpakilala na kaming tatlo sa isa't isa.
"Hi ako nga pala si Lordy sana maging magkaibigan tayo at 'tsaka sorry pala sa nangyari kanina hihihi" pakilala ko sa sarili ko at humingi na rin ako ng pasensya dahil nadamay ko sila sa katarantadohan ko kanina.
"Hi ako nga rin pala si Leonardo at itong kasama ko, ewan di ko kilala nakasabayan ko lang yan eh HAHAHA" sabi ni Leonardo at siya 'yong brunet ang buhok.
May pagkaloko-loko rin pala to si Leonardo HAHAHA, mukha nga lang siyang Amerikanong hilaw HAHAHA.
"Hi ako nga pala si...." biglang naputol 'yong pagpapakilala ni red hair boy ng may tumahol at ng lingonin namin 'yon, ay ito pala 'yong bulldog kanina na humabol samin.
"Takboooo!!!!" sabay na sigaw naming tatlo. Kaya kanya-kanya kami ng takbo.
At dahil don hindi na kami nagkita at hindi ko man lang nakilala iyong isang batang lalaki, sayang ang kyut pa naman niya kahit medjo mataba siya.
Paglipas ng ilang araw ay nakita ko si Leonardo sa bakuran ng kabitbahay namin at sa aking pagkagulat ay magkapitbahay pala kaming dalawa kaya tinawag ko siya kasi gusto ko talaga magkaron ng kaibigan na handang makipaglaro sakin. Mukha rin namang palakaibigan 'to si Leonardo.
"Pstt Leonardo" pag-aagaw pansin ko sa kanya na naglalaro ng kanyang bola sa bakuran nila kasama 'yong kanyang pusa at isang kuting na bagong panganak pa lang sa tingin ko.
Nakita ko namang napansin niya ako kaya kumaway ako sa kanya para mas mapansin niya 'ko.
"Hi Lordy, right?" tanong niya sakin na parang menimemorya pa niya ang mukha ko. Medjo nailang naman ako pero baka ganon lang talaga siya tumingin
"Oum hi? magkapitbahay pala tayo hihihi" medjo nahihiya pa 'ko kasi first time ko makipagkaibigan.
"Oo nga HAHAHA" sagot rin nito sakin.
"Pwede makipagkaibigan sayo Nardo?" tanong ko sakanya. Kahit na medjo nahihiya ako ay kinapalan ko na ang mukha ko para magkaron rin ako ng kaibigan.
"Nardo?huh ang ganda-ganda ng pangalan ko 'tas tatawagin mo lang akong Nardo, ako ba ay niloloko mo?" sagot nito sakin na parang hindi makapaniwala kasi tinawag ko siyang Nardo. Eh bat ba 'yon yong naisip kong palayaw para sa kanya eh.
"Eh sorry naman, 'yon kasi 'yong naisip ko na ipalayaw sayo eh, kaya please let us be friends" pangatwiran ko rin sa kanya at medjo nag-puppy eyes rin ako para pumayag na siyang maging kaibigan ko.
"Magmakaawa ka muna" pilyong sagot nito sakin. Nanggigigil na ako sa lalaking 'to sarap hambalusin ng barbie, pigilan niyo ko dali, sabi ng pigilan niyo ko eh HAHAHA edi don't dzuhh.
"Ayaw mo naman ako maging friends mo eh, so edi don't" pagtataray ko rin sa kanya with matching flip hair. Ano akala niya, siya lang may karapatan, pwes magtataray na lang ako with matching irap pa yan ah.
"Ito naman hindi mabiro" sagot rin niya pabalik sa akin.
"Bahala ka na nga diyan Mang Nardo" pag-iinarte ko pero may pang-aasar na 'yong huli kong sinabi.
"Huh Mang Nardo? seriously Lordy" sagot rin nito sakin na parang naaasar na.
"Blehh Mang Nardo HAHAHA" pang-aasar ko ulit rito habang tumatakbo
"Lagot ka sakin kapag nahuli kita Lordy mah fren HAHAHA" sagot nito ulit.
Naghabulan kami sa bakuran namin at sa kanila. Hanggang sa pina-uwi na ako sa amin kasi hapon na.
(END OF FLASHBACKS)
At 'don nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Nardo este Leonardo. Ewan ko nga kung bakit ko naging kaibigan 'yong gunggong na 'yon. Pero maaasahan naman siya. Napangiti na lang ako sa mga naiisip ko. Ng biglang
"Hoy Lordy anong nginiti-ngiti mo diyan? Napasukan ba ng ubo utak mo?" speaking of the gunggong, ito na naman siya iniinis na naman ako.
"Manahimik ka gunggong" sagot ko sa kanya na may kasamang batok pa yan ah. Sino ba naman kasing hindi maiinis kung ganyan kapangit bubungad sayo pagkatapos mo mag-flashbacks.
"Aba mafanakit ka na masyado ah" kamot-batok na sagot nito sa akin. Kaya bago pa siya makaganti ay agad na akong tumakbo at nagsimula na naman kaming mag asaran hanggang sa nagpa-ikot-ikot na pala kami sa quadrangle ng school ground.