Chapter 12 Sky's Pov: Habang hinihintay ko…namin ni Kuya Axel ang aking mga kaibigan, hindi ko maiwasang magtaka. Nakatitig lamang ako sa pagkaing ibinigay ni Kuya Axel sa akin. Bakit kaya bigla bigla na lang nagkaganito ito? Nakakapagtaka kasi dahil noong nakaraang lingo lang ay para siyang isang kriminal na handa akong patayin. Ilang saglit pa ay dumating na rin sila. Pinagdugtong na lang namin ang dalawang lamesa para magkasya kaming pito. "Himala yatang nandito si Papa Axel?" Pasaring na tanong ni Maya kay Kuya nang makaupo silang lahat. Ngayon nga din siya sumabay sa aming mag lunch eh. Dati rati kasi umaalis sila ng kanyang tropa kapag lunch. "Ah…eh…kwan kasi…uhm…pinababantayan ni papa si Sky sa akin." Nauutal niyang sagot sa pasaring ni Maya. Hindi ko alam kung nagsasabi ba s

