PINAGMASDAN ni Dean ang kabuuan ng dream house ni Selena. Tapos na iyon at fully-furnished na rin. Ganoong-ganoon ang pangarap ni Selena na bahay. Dalawang palapag iyon na puro salamin ang haligi. Mayroong katamtamang taas na gate na dark brown ang kulay ang gusto ng asawa para kakulay daw ng mga mata nila ni Elijah. A sad smile formed his lips. Mayroon iyong hugis-pusong swimming pool sa labas at may maliit na fountain sa bungad. Pagpasok sa loob ay sasalubong ang pinaghalong krema at pula na siyang mga pangunahing kulay roon bilang siya ring mga paboritong kulay ni Selena. Mayroon din iyong anim na kwarto. Isang master bedroom, isang guest room at apat na kwarto ng mga magiging anak nila. Dahil gusto raw ni Selena na magkaroon ng apat na mga maliliit na bersyon nila. Pero nga

