DAHAN-DAHANG dumilat si Selena. Sandali pa siyang napapikit nang masilaw siya sa liwanag na sumalubong sa kanyang mga mata. Nang unti-unti nang makapag-adjust, muli siyang dumilat. Iginala niya ang tingin sa kinaroroonan. Base sa mga nakitang gamit at kulay ng kwarto ay nasisiguro niyang nasa loob siya ng ospital. Mayamaya, kumabog ang dibdib ni Selena nang makita ang nakatalikod na bulto ng mga magulang. Mabilis siyang pumikit. Ginawa niya ang lahat para itago ang emosyon at para hindi makahalata ang mga ito na nagkamalay na siya pero hindi niya nagawang itago ang pagluha. Para bang sasabog ang dibdib ni Selena pero sinikap niyang manahimik dala ng sobra-sobrang takot at galit sa puso niya. Takot sa ama at galit sa ginawa nito sa kanya. Pagkaraan ng ilang sandali, may naramd

