Kabanata 1
Wonder Woman yarn!? natatawang asar ng kaibigan kay Mae. "Tigilan mo ko Cza, wag mo ko istorbohin kapag ganitong ang dami ng deadlines!" nasusuyang balik nya dito. Malapit na kasi ang end of school year at kapag ganito tila mga bubuyog at langgam sa sipag ang mga gurong tulad ni Mae. Itinulak palabras ni Mae kaibigan, "Hoy Mae hindi kana bumabata take a break! loosen up naman! natatawa pa ding sabi nito. "Pwede bawal muna istorbo and FYI nasa kalendaryo pa naman edad ko. shoo! uwi kana marami pa kong tatapusin. tuluyang nakaalis ang kaibigan kya naman naituloy na ng dalaga ang ginagawa. Si Mae ay Isang guro sa pribadong paaralan, masyadong nalibang sa trabaho kaya hanggang ngayon zero pa din ang love life. nangungupahan lamang siya sa Manila dahil nasa Bicol ang pamilya nya. Kinabukasan maagang gumising ang dalaga. naghanda na siya para pumasok, morning person talaga siya mas gusto niya ito kaysa tanghali na at mainit na kung papasok siya. "Good morning ma'am!" bati ng mga estudyante kay Mae. Kaya hindi maiwan ng dalaga ang psgtuturo dahil sa mga estudyanteng nagbibigay inspirasyon sa kanya. "Ok class bukas magsisimula na ang graduation practice nyo, last day of clearance nyo po today so make sure to settle everything na po. Any questions?" Saad ni Mae sa loob ng klase " Miss ma mimiss ka po namin!" sigaw ng isang estudyante sa likod, kaya nagsi sunod naman ang ilan sa klase. Nagulat si Mae ng yumakap sa kanya ang Isang babaeng estudyante at umiiyak na nagsabi, "Miss sana di na muna po kami gumraduate para may kasama pa din kaming sumayaw sa t****k" umiiyak itong nakayakap Kay Mae. hindi ako mawawala sa inyo Nikka, lilipat lang kayo ng school. your all welcome to visit me here kahit graduate na kayo. Mahabang paliwanag nya sa mga ito. Nagkakagulo na ang buong klase pero yung gulo na nagpapahayag ng emosyon dahil kailangan ng umalis. Ito ang ayaw ni Mae ang mamaalam. Naglalakad patungong faculty room si Mae, pagdating nya naabutan niya ang mga co teachers nya kumakain. " late ka na naman girl lika na at ng makadami ng lafang at chika" alok ng binabae niyang katrabaho. Natatawang umupo at nagsimulang kumain si Mae. " Meeting tayo later 1pm for finalization ng graduation natin ha". anunsyo ng year level chair nila Mae. " Naku naman si miss Minchin ayaw paawat di pa nga tayo tapos sumubo naku! naku!" " Uy ano plano sa bakasyon? Dali! na at baka mapurnada pa." "Naku besh wag nyo na ko isama dyan I can manage " Maarteng sabat nya sa mga ito. " Alam mo ang KJ mo tlga, sige tuloy mo yan ha tutal malaki kana kaya mo yan besh," pambabara sa kanya ng mga ito." see you later mga inay " natatawang paalam nya sa mga ito. naging abala na sila hanggang matapos ang meeting at klase. Pagod na uuwi ngunit may ngiti pa din naman dahil para sa bayan, para sa bata naman. Ginising ng alarm clock si Mae, kailangan niyang maagang pumasok dahil maraming tatapusing trabaho at gusto na niya talaga matapos lahat. Dali daling ngalmusal at naligo ang dalaga pagkatapos magbihis sumakay ng tricycle. 6:30 nakarating naman siya ng matiawasay at sakto sa target niyang oras, nagtime in habang nakikipag chikahan sa lady guard nilang matagal na din sa eskwelahan. Masayang tsinek ni Mea ang to do list niya sa kanyang desk at nagsimulang mgtrabaho. Natapos ang araw na maayos at tapos lahat ng gawain nila Mea, "Uy girl Friday naman ngayon hang out tayo" ungot ng binabae niyang kaiba . "Oo nga matagal tagal na din tayo di nalabas" sinigundahan naman ni Tin. " Ok po, dahil smooth ang trabaho natin ngayong araw Gora na tayo!" Masayang turan ng dalaga. Pagdating ng bar palinga linga ang tatlo na parang may hinahanap, "Dun tayo mga ateng sa may bakante o," " ay Gora na at ng makarami!" Dali dali sila pumunta sa puwesto at nag order. Nang maboring ngpunta sa dance floor ang tatlo at sumayaw kasama ang ibang kabataan. Medyo tipsy na ang magkakaibigan kaya bumalik muna sila sa puwesto nila, "girl wala ako makitang pogi!" Pasigaw na sabi ni Tin dahil sa ingay sa loob ng bar." Naku ateng ang dami o nagkalat, masyado ka lang choosy" natatawang buka ni Dany ang binabae nilang kaibigan. " O tingnan mo ako OTW na ang future ko" " tumigil na nga kayo dalawa" nahihilong sabi ni Mae "gusto ko ng umuwi girls not feeling well na," naiiyak na saad ni Mae. At naglakad ng pasuray- suray ang dalaga, ng malapit na siya sa may entrance nabangga niya ang malaking lalaki nakaitim at naka cap na itim, hindi niya maaninag masyado ito, "hey! Are ok?" Tanong nito sa kanya. Nag thumbs up lamang siya dito at nagpatuloy na sa naglalakad. Sinundan siya ng lalaki ng tingin. Naalimpungatan si Mae dahil sa ingay sa labas ng apartment niya, hawak ang ulo pumunta siya ng banyo. Paglabas ay nagmumog at naghilamos, nagsalang na din siya ng tubig sa takure at naghanap ng cup noodles. Pagkatapos mag almusal nagcheck siya ng messenger at email, naku kahit weekend ayaw papapgil ng mga boss, matapos Mg online naglaba at nalinis siya ng buong apartment dahil pagkatapos ng bakasyon balak niya magtravel. Speaking of travel naalala niya magbobook pala siya ng ng ticket,hotel at iba pa online, kaya agad niyang binuksan ang laptop at naghanap ng magandang lugar na swak sa budget niya. Masayang natapos ang weekend ni Mae panibagong araw naman bukas. Lunes na naman at kailangan full force sila para sa nalalapit na graduation, "Ok teachers ngayong week kailangan natin mag double time, committees please check everything please lang, ayaw nating may masabi ang mga parents." " Ano na girl ung diploma jacket, certificates paasikaso na po. Ako na bahala sa final graduation practice " Sabi ni Mae sa Co teacher niya, natapos ang araw na pagod lahat. " Baks bukas na ulit yan pagod na ko o" reklamo ni Tin kay Dany, " Hoy madam kapag nagproblema tayo sa supply ikaw ang kukutusan ko talaga, siya siya tayo na nga!" Natatawang sumunod na lamang siya sa dalawa. Mamimiss niya kakulitan ng mga ito.