KAHIT na hindi masyadong nakatulog si Yssabelle kagabi ay maaga pa din siyang gumising kinabukasan. At nang magising siya ay agad na tumuon ang tingin niya patungo sa kama ni Trent. At nakita niyang wala ang lalaki do'n, wala ding senyales na may natulog sa kama, nakita kasi niyang hindi magulo ang kama nito. Pagkatapos kasi siyang iwan ni Trent sa kwarto nito matapos nitong sabihin sa kanya ang mga rules nito ay hindi na ito bumalik sa kwarto nito. Hinintay nga niya ang pagbalik nito pero nakatulugan na niya ang paghihintay kay Trent. Sa sofa na nga din siya nakatulog kagabi. Hindi na din kasi siya lumipat sa kama at ayaw niyang mahiga sa kama nito. Baka kasi madagdagan na naman ang galit nito kapag mahihiga siya doon. Nagpakawala naman si Yssabelle nang malalim na buntong-hininga. Pa

