"YSSABELLE." Nag-angat ng tingin si Yssabelle patungo kay Ate Mae nang marinig niya ang pagtawag nito sa kanya. Tinakpan naman niya ang mouthpiece sa hawak na cellphone bago bumuka ang bibig niya para magsalita. "Bakit po, Ate Mae?" tanong naman ni Yssabelle dito. "Pinapatawag ka na ni Sir Trent. Aalis na daw kayo," imporma naman nito sa kanya. "Bilisan mo, mukhang galit na si Sir," pagpapatuloy pa na wika nito. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Yssabelle sa narinig na sinabi sa kanya ni Ate Mae. "Sige po, Ate Mae. Punta na po ako do'n," wika naman niya dito, hindi nga din niya napigilan ang pagtahip ng dibdib dahil sa kaba na nararamdaman. "Bilisan mo," wika pa ni Ate Mae bago ito umalis sa harap niya. Tumango naman si Yssabelle. Pagkatapos ay inalis niya ang kamay sa mouthp

