TININGNAN ni Yssabelle ang repleksiyon sa salamin nang matapos siyang mag-ayos. Ngumiti din siya para mag-practice na nakangiti, iyong masuyo. Simula kasi noong mag-trabaho siya sa mansion ay bihira na lang siyang nakakangiti, hindi lang iyon, kung minsan ay pilit pa dahil nga nag-aalanganin siyang ngumiti dahil laging nakasimangot si Trent. But these past few days ay nakakangiti na siya. Ngumingiti ka dahil kinikilig ka, wika naman ng bahagi ng isipan niya. Napakagat na lang naman si Yssabelle ng ibabang labi sa sinabing iyon ng kanyang isipan. Hindi na din siya tumanggi sa sinabi ng isipan dahil tama ito. Yes, kinikilig siya nitong mga nakaraang araw. Ang dahilan? Si Trent. Ito ang nagpapakilig sa kanya araw-araw kaya nagagawa na niyang ngumiti. And speaking of him. Nakaalis na ito

