KUMIBOT-kibot ang labi ni Yssabelle habang nakatingin siya sa monitor ng computer na nasa harap niya. Dalawang oras na siyang nakaupo sa table na inilaan sa kanya ni Trent pero wala pa itong inuutos sa kanya na gagawin niya. Kagat naman ang ibabang labi na tumingin si Yssabelle sa dereksiyon ni Trent. At nakita niya na seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatuon ang atensiyon nito sa harap ng computer nito. Napansin nga din niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito habang tutok na tutok ang tingin nito do'n. Hindi naman na niya inalis ang tingin kay Trent. At hindi din niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito sa ginagawa. "And Chester is right. You don't have to worry. I am not the same as when you first met me, naalala ni Yssabelle na wika ni Trent sa kanya kanina. Nang maa

