NAPAHINTO si Yssabelle sa paglalakad nang tumunog ang cellphone na hawak niya. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng puso nang makita at mabasa niya ang pangalan ni Sir Trent sa screen ng cellphone niya. Ito ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Saglit naman siyang nakatitig sa pangalan nitong nasa screen ng cellphone niya bago niya sinagot ang tawag nito. "H-hello?" wika niya ng sagutin niya ang tawag nito. "Yssabelle," banggit nito sa pangalan niya sa buong-buong boses. There is something different in his voice when he mentions her name. Siguro dahil hindi niya nabakasan ang lamig sa boses nito noong banggitin nito ang pangalan niya. Eh, kung kausap siya ni Trent ay laging malamig ang boses nito. "May ipag-uutos

