TAPOS na si Yssabelle sa mga gawaing bahay sa condo ni Trent. At nagpapahinga na siya sa sandaling iyon. Nakaupo siya sa sofa sa condo ni Trent habang nanunuod siya ng TV. Simula noong mawala ang Mama ni Yssabelle ay hindi na siya nakakanuod ng TV, lalo na noong kupkupin siya ng Tita Amanda niya. Paano siya makakapanuod? Eh, halos magkulong siya noon sa kwarto dahil sa takot niya sa Tito Ogie niya na laging lasing, laging tambayan din nito ay ang sala sa bahay ng mga ito. Kahit na noong nakapag-trabaho siya ay hindi na siya nakakapanuod ng TV dahil nga busy na siya, hindi na niya maharap ang manuod. Natutulog na din kasi siya ng maaga para naman kahit papaano ay mabawi niya ang lakas niya. Nakatutok ang atensiyon ni Yssabelle sa kapapanuod nang inalis niya ang tingin doon at inilipat ni

