KINAGAT ni Yssabelle ang ibabang labi habang nakatitig siya sa nakasarang pinto sa kwarto ni Trent. Hindi lang siya nakapagpaalam na aalis sa condo nito kanina ay nagagalit na agad ito sa kanya. Nagtaka ka pa, Yssabelle. Eh, kunting kilos o pagkakamali mo lang ay big deal na sa kanya, wika naman ng bahagi ng isipan niya. Hindi na siya komontra sa sinabi ng isip dahil may punto naman ito. Dapat nga ay masanay na si Yssabelle kay Trent, alam naman kasi niyang galit ito sa kanya kaya lahat ng gagawin o sasabihin niya ay hahanapan nito ng butas at walang tama sa lahat ng gagawin at sasabihin niya. Bumuntong-hininga naman na si Yssabelle. Pagkatapos niyon ay humakbang na siya mula sa pagkakatayo niya. At sa halip na magbihis ay dumiretso siya sa kusina ng condo nito para ipagluto ito ng di

