"LOLA Mary." tawag ni Trent sa atensiyon ni Lola Mary na nakaupo sa pina-reserved nitong mesa sa restaurant kung saan sila magdi-dinner ng tuluyan silang nakalapit na dalawa nang pumasok sila sa loob ng restaurant. Nag-angat naman ng tingin si Lola Mary sa gawi nila. At sumilay ang ngiti sa labi nito nang makita silang dalawa ni Trent at napansin din niya ang pagningning ng mga mata nito nang bumaba ang tingin nito sa kamay ni Trent na nasa likod ng baywang niya. Hindi na binitiwan ni Trent ang likod ng baywang niya ng pumasok silang dalawa sa restaurant para ipakita sa Lola Mary nito na okay silang dalawa. At sa totoo lang, habang hawak nito ang likod ng baywang niya ay ramdam niya ang init ng kamay nito do'n. "Oh, Trent, Yssabelle," nakangiting banggit naman ni Lola Mary sa pangala

