NAKAAWANG ang mga labi ni Yssabelle ng ihinto ni Trent ang minamaneho nitong kotse sa parking lot ng building kung saan matatagpuan ang condo nito pagkatapos nilang umalis sa exhibit ni Chester. Matagumpay naman ang exhibit ni Chester at nagpasalamat nga ito sa kanya. Malaki daw kasi ang naging parte niya para maging successful ang exhibit nito. Tuluyan naman ng pinatay ni Trent ang makina ng kotse. At nang makita niyang tinanggal nito ang suot nitong seatbelt ay doon lang niya tinawag ang atensiyon nito. "Sir Trent," banggit niya sa pangalan nito. Tuluyan naman na nitong natanggal ang suot na seatbelt nang tumingin ito sa kanya. "What?" tanong nito nang magtama ang mga mata nila. "Hindi tayo uuwi ng mansion?" tanong naman niya dito. "Nope," sagot ni Trent sa kanya. Hindi na di

