NAPAIGTAD si Yssabelle nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Trent na humawak sa likod ng baywang niya habang naglalakad silang dalawa papasok sa venue kung saan matatagpuan ang exhibit ni Chester. Napatingin naman siya kay Trent at mukhang naramdaman ulit nito ang pagtitig niya dito dahil tumingin din ito sa kanya. "What?" tanong nito nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Umiling naman si Yssabelle bilang sagot. Pagkatapos niyon ay inalis na niya ang tingin dito. Nagpatuloy na din sila sa paglalakad papasok sa loob. Marami nga silang nakakasabayan na naglalakad papasok din sa nasabing venue. Mga guest din siguro iyon ni Chester. At mayamaya ay hindi niya napigilan ang mapaawang ang ibabang labi nang tuluyan silang nakapasok sa loob ng venue. Hindi nga din niya napigilan a

