Chapter 76

1638 Words

UMALIS si Trent mula sa pagkakasandal nito sa hamba ng pinto. Pagkatapos niyon ay umayos din ito mula sa pagkakatayo nito. At hanggang ngayon ay hindi pa din nito inaalis ang tingin sa kanya. Sunod-sunod naman si Yssabelle na napalunok habang sinasalubong niya ang titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Saglit naman siyang parang estawa mula sa kinatatayuan hanggang sa dahan-dahan siyang humakbang palapit dito. At habang palapit siya kay Trent ay mas lalong bumibilis ang t***k ng puso niya na para bang nakipaghabulan siya. "Anong...ginagawa mo dito, Sir Trent?" tanong niya dito ng tuluyan siyang nakalapit. "I'm here to pick you up," sagot nito sa kanya. "Ha?" "I'm here to pick you up, Yssabelle," ulit na sagot nito. May kakaiba din sa boses nito ng banggitin nito ang pangalan niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD