"WAIT." Napatigil si Yssabelle sa akmang pagbukas ng pinto sa gawi ng passenger seat ng ma-ipark ni Trent ang minamaneho nitong kotse sa tapat ng isang kilala at mamahaling restaurant kung saan sila magdi-dinner date na dalawa. At nang lingunin niya ito sa kanyang tabi ay nakita niyang mabilis nitong tinanggal ang suot nitong seatbelt at binuksan ang pinto sa gawi ng driver seat at saka ito bumaba doon. Nasundan na lang naman ni Yssabelle si Trent ng humakbang ito sa gawi niya at ito mismo ang nagbukas ng pinto sa passenger seat. Pinagdikit niya ang ibabang labi para pigilan ang ngiting gustong sumungaw sa labi niya. Trent has always been sweet to her simula noong magtapat ito ng damdamin sa kanya. Lalo na kapag kasama niya ito at gusto nito na lagi siya nitong pinagbubuksan ng pinto

