PARANG wala sa sarili si Yssabelle habang nagtitimpla siya ng kape sa pantry na nasa labas ng opisina ng asawa. Naisipan niyang magtimpla ng kape dahil kanina pa siya hikab nang hikab. Wala kasi siyang masyadong tulog kagabi dahil sa kakaisip niya. Hindi kasi maalis sa isip niya ang sinabi sa kanya ni Sandy kagabi. Iniisip niya kung totoo ba ang mga sinabi nito sa kanya. Iniisip niya kung sino ang nagsasabi ng totoo. Ang babae ba o si Trent. Alam naman ni Yssabelle na mali ang pagdududa niya kay Trent pero hindi niya mapigilan ang sarili. Oo. Nabanggit ni Trent sa kanya dati na may matang nagbabantay sa kanila at nagrereport ito kay Lola Mary, kaya nga nagpapanggap sila ni Trent noon na okay ang pagsasama nila para iyon ang i-report ng nagbabantay sa kanila kay Lola Mary. At tanging sila

