MAY ngiti sa labi si Yssabelle na dinampot niya ang paperbag na may lamang lunch box ni Trent ng lumabas siya ng kusina na kinaroroonan niya. Aabangan kasi niya si Trent sa may sala para i-abot niya ang lunch box na inihanda niya sa pagpasok nito sa opisina. Nang pagsabihan siya ni Trent noon ay itinigil niya ang pagbabaon dito ng lunch na dadalhin nito sa opisina. Pero ngayon ay muli na naman niya itong pinagbabaunan. Hindi dahil sa sinabi nito, kundi iyon ang kagustuhan niya. Gusto kasi niyang pagsilbihan ito, hindi din dahil trabaho niya iyon kundi gusto niya itong pagsilbihan bilang asawa nito. Alam naman ni Yssabelle na hindi siya tinuturing ni Trent na asawa pero gusto pa din niyang pagsilbihan ito. At higit sa lahat, gusto din ni Yssabelle na ipakita sa lalaki na hindi siya ka

