BAHAGYANG kumunot ang noo ni Yssabelle namg makita niya ang ilang missed call ni Tita Amanda niya sa kanya ng kunin niya ang cellphone sa loob ng kwarto. Iniwan kasi niya ang cellphone niya sa kwarto at nasa sala siya mag-hapon. Busy kasi siya sa pagbabasa kaya hindi niya masyado naharap ang cellphone niya. At saka wala naman siyang inaasahan na tatawag sa kanya. Saglit namang napatitig si Yssabelle sa hawak na cellphone bago niya tinawagan ang Tita Amanda niya. Naisip kasi niyang baka may emergency kung bakit ito tumatawag at naka-ilang ulit pa. Hindi naman na siguro mangungutang si Tita Amanda niya ng pera sa kanya. Simula kasi noong sinabihan niya ang Tita Amanda niya na mag-iipon siya ng pera para maipagpatuloy niya ang pag-aaral ay hindi na ito muling nangutang sa kanya. Mukhang

