"OH MY GOD!" Nagising si Yssabelle sa matinis na sigaw na iyon. Dahan-dahan naman niyang iminulat ang mga mata para hanapin kung saan nanggaling ang matis na sigaw na narinig niya. Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Ma'am Mary na nanlalaki ang mga mata, tutop nito ang bibig habang nakatingin ito sa kanya. "Oh my god, what happened here?" nanlalaki ang mga mata na tanong nito. Hindi naman maintindihan ni Yssabelle ang Lola ni Sir Trent sa tanong nitong iyon. At akmang bubuka ang bibig niya ng mapatigil siya ng maramdaman niya ang paggalaw ng kung sino man sa tabi niya. Bumaling naman siya sa kanyang tabi. At ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya si Sir Trent sa kanyang tabi. Magulo ang buhok nito at salubong ang mga kilay nito. "W

